Tambalang Sharlene San Pedro at Ricci Rivero sa ‘Happy Times’ nagsimula lang sa Twitter | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tambalang Sharlene San Pedro at Ricci Rivero sa ‘Happy Times’ nagsimula lang sa Twitter

Tambalang Sharlene San Pedro at Ricci Rivero sa ‘Happy Times’ nagsimula lang sa Twitter

Leo Bukas

Clipboard

Si Sharlene San Pedro ang kapareha ni Ricci Rivero sa pelikulang Happy Times na launching movie rin ng basketball heartthrob. Ito ang kanilang first ever team up na nagsimula lang sa Twitter.

“Nakakatuwa po sa totoo lang kasi nag-start po talaga yung team up sa Twitter daw po. Anong tawag ba du’n? Twitter-serye daw po. Yung parang mga kuwento po sa Twitter na ginagawa po nila.

“Nakakatuwa kasi doon siya nag-start. Ang galing kasi iba na talaga yung power ng social media na kapag ikaw ngayon ay maingay sa social media, puwede na talagang gawan ng film kung makaka-build ka ng fan base.

“So, we are very thankful po sa mga sumusupport, sa mga naghihintay para sa film na ’to. Naku, worth the wait itong movie na ’to talaga, guys, promise,” pahayag ng former Goin’ Bulilit star sa ginanap na virtual presscon ng Happy Times.

ADVERTISEMENT

Kaagad namang idiniin ni Ricci na malabong maging more than friends sila ni Sharlene kahit pa magka-love team sila sa Happy Times na streaming na ngayon sa Upstream.ph.

Ani Ricci, “Kini-clear naman po namin na love team siya, pero ayaw namin bigyan ng false hope yung mga fans. Masaya lang talaga tapos naglolokohan lang naman talaga kami ni Shar.

Sey naman ni Sharlene, “Sobrang close po namin ni Ricci. Pero ayon nga po, huwag n’yo na lang po talaga kaming pangunahan. Hahaha!

“Feeling ko kaya din nag-work ang aming team up kasi okey kami sa isa’t isa at nagkakaintindihan kami sa set. Sabi nga namin masusundan pa ’tong project pero gusto naming mag-try pa ng ibang genre.”

May paliwanag naman si Sharlene kung bakit hindi siya madalas magkaroon ng movie projects.

“Actually, personal choice ko din naman na hindi umakting these past few years kasi nag-aaral ako. So bago mag-pandemic sabi ko medyo luluwag-luwag na ako. Nung bandang March bago mag-pandemic sobrang stress ako sa shoot kasi ako yung gumagawa ng thesis ko at kailangan kong mag-OJT.

“Pero nung nag-pandemic so nahinto. Hindi natuloy kahit ano. Pero sobrang importante ng movie na ito sa akin kasi feeling ko, hopefully mag-open ito ng doors sa mga susunod na films pa and abangan n’yo po yan.”

Kumukuha si Sharlene ng kursong Bachelor of Arts in Psychology.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.