• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Heaven Peralejo, ang taong 2021 na puno ng pagmamahal at pagluha.

Heaven Peralejo nagbago ang pananaw sa love dahil sa mga pinagdaanan

Para kay Heaven Peralejo, ang taong 2021 na puno ng pagmamahal at pagluha.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/19/2021 06:18 PM
Heaven Peralejo nagbago ang pananaw sa love dahil sa mga pinagdaanan
Photo Credit: @heavenperalejo on Instagram

Itinuturing ni Heaven Peralejo ang taong 2021 na puno ng pagmamahal at pagluha. Pero sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay ay marami din naman siyang natutunan.

“Yung 2021 ko, siguro full of learnings and full of love and of course tears. Part din naman talaga yon ng buhay. Pero ngayon nasa ibang place na ako ng life na sobrang at peace, na parang kahit kami nung dog ko, masaya na ako na kami lang, ganun. Andun ako sa part ng buhay na contented ako,” paglalarawan ng dalaga sa estado ng buhay niya ngayon sa ginanap na virtual mediacon ng kilig movie na Happy Times na dinaluhan ng PUSH at ilang showbiz writers.

READ: Heaven Peralejo graduates from college with Business Management degree


Paano ba niya nalampasan ang ilang personal na isyu na may kinalaman tungkol sa pag-ibig at paano binago nito ang pananaw niya ngayon sa love?

“Kakaiba yung 2021 ko, pero siguro nung pumunta ako sa Siargao, parang ang dami kong na-realize. Ang laki pa pala ng mundo. Na kaya ko ito. Na marami pa ang magiging problema na mas mahirap. Nandiyan si Mom, tinutulungan din niya ako kung paano i-handle. 

“Nandoon din sila to support me all the way kahit may times na parang naggi-give up na ako. Si Mom pa rin yung naniniwala na kakayanin ko and, true enough, kinaya naman. And masaya naman.

“Nagkaroon ako ng strength dahil sa kanila para malagpasan yung mga bad times ko. And sa happy times ko mas na-appreciate ko yung buhay, mas na-appreciate ko yung mga taong kasama ko. Mas na-appreciate ko yung kahit like yung mga simple things lang, so yon,” paliwanag ni Heaven.

READ: Heaven Peralejo, sinabing ‘best friends’ lang sila ni Kimpoy Feliciano; may mensahe sa mga nagsasabing hindi siya nababakante

Dagdag pa ng aktres, “In terms naman kung paano ko ngayon tingnan yung love, siguro kailangan ko talagang pumili ng tao na super worth ng love ko, ganun.

“Actually, right now parang wala talaga akong time para magkaroon ng relationship. Parang gusto ko munang i-take yung time na ito para makilala ko pa yung sarili ko – yung mga gusto ko, yung mga ayaw ko sa relationship or in life.”

Nahihilig ngayon si Heaven sa pagbili ng mga signature bags na paraan niya raw para ipakita ang tinatawag na self love.

“Mahilig na pala ako ngayon sa mga bags. Kasi dati, siguro mas inuna ko muna yung mga kailangan. Pero dahil nakaipon-ipon na kaya yon. Ang tagal ko rin naman pong naging kuripot kaya ngayon push na.

“Buong buhay ko inuuna ko muna yung mga kailangan ko, like kotse muna or like etong condo muna, so ngayong nakaluwag-luwag na at alam ko na okey safe na, nagawa ko na lahat, I think it’s time for myself naman,” kuwento pa niya.

Inamin din ng Bagong Umaga star at dating Pinoy Big Brother housemate na kumuha siya ng social media manager para mag-asikaso ng kanyang social media accounts.

Lahad niya, “Nag-start akong magkaroon ng social media manager since last year pa. They handle the captions, they handle the editing for the vlogs. Siguro kasi, kaya gusto ko rin lang magkaroon ng social media manager kasi ayoko lang din na yung buhay ko ay umiikot lang din sa social media.

“Parang gusto ko pa rin na nasa real time ako, alam mo yon? Na hindi laging dapat nasa phone. Kasi as in ngayon hindi na ako ma-phone. And mas masaya, mas kalma. Kasi dati iniisip ko pa yung mga sinasabi ng ibang tao, pero ngayon hindi na, eh.”

Samantala ang Happy Times na streaming na ngayon sa Upstream.ph ay pinagbibidahan din nina Sharlene San Pendro at Ricci Rivero.