• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaibigan lang umano ang turing ni Heaven Peralejo kay Kimpoy Feliciano.

Heaven Peralejo, sinabing ‘best friends’ lang sila ni Kimpoy Feliciano; may mensahe sa mga nagsasabing hindi siya nababakante

Kaibigan lang umano ang turing ni Heaven Peralejo kay Kimpoy Feliciano.

Heaven Peralejo, sinabing ‘best friends’ lang sila ni Kimpoy Feliciano; may mensahe sa mga nagsasabing hindi siya nababakante-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/01/2021 08:34 AM
Heaven Peralejo, sinabing ‘best friends’ lang sila ni Kimpoy Feliciano; may mensahe sa mga nagsasabing hindi siya nababakante
Photo credits to @heavebperlejo Instagram

Sa kabila ng mga spekulasyon ng netizens tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kimpoy Feliciano, nilinaw ni Heaven Peralejo na magkaibigan lang ang turing nila sa isa’t-isa.

Matatandaang kumalat nitong nakaraang buwan ang mga litrato nilang magkasama sa iba’t-ibang lugar.


Mas naging maugong pa ang usap-usapan tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa nang magsabi ng “love you” si Kimpoy kay Heaven sa isang post. 

Sa panayam ni Heaven kay Darla Sauler, sinabi ni Heaven na best friends lamang ang turing nila sa isa’t-isa. 

“Hindi talaga. 'Di ba kapag kunyari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganoon. Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends,” ani Heaven. 

Kimpoy Feliciano defends Heaven Peralejo: ‘Wala naman pong masama kung may iba akong kasama’

Bagama’t single siya ngayon, sinabi ni Heaven na hindi pa siya handang pumasok sa anumang relasyon. 

“Single ako pero not ready to mingle. 'Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din na nagkaroon talaga ako ng kaibigan sa showbiz,” aniya. 

“Thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin na kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work,” dagdag pa niya. Pagpapatuloy pa ni Heaven: “So 'yung amin talaga ni Kimpoy, 'yung pagmamahalan namin, hanggang best friends lang okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki.”

May mensahe naman si Heaven sa mga taong nagsasabi na hindi umano siya nababakante.

“Guys alam niyo, magpahinga rin kayo okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle,” sambit ni Heaven. 

Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano, mag-dyowa na?

“Huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue. Christmas na oh. Dapat happy, happy,” dagdag pa niya.

Kinumpirma ni Heaven noong nakaraang buwan na hiwalay na sila ni Kiko Estrada.

Matatandaang nagkaroon din sila ng relasyon noon ng anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel.