• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging maugong ang pagsasama nina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano kamakailan.

Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano, mag-dyowa na?

Naging maugong ang pagsasama nina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano kamakailan.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/26/2021 11:49 AM
Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano, mag-dyowa na?
Photo credit to @kimpoyfeliciano Instagram

Malaking palaisipan ngayon para sa mga netizens ang tunay na estado ng relasyon nina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano kasunod nang inilabas na posts sa social media posts ng dalawa. 

Nitong Huwebes, ika-25 ng Nobyembre, binati ni Kimpoy si Heaven sa kanyang kaarawan. 

Ngunit maraming netizens ang napaisip kung may namamagitan sa kanilang dalawa matapos pasalamatan ni Kimpoy si Heaven sa pagdating nito sa kanyang buhay ng hindi niya umano inaasahan. 


Makikitang magkahawak ang kamay ng dalawa habang sinasalubong ang alon sa isang dalampasigan. 

“Happy Birthday to this beautiful soul @heavenperalejo 🤍🥺 Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That's a promise,” ani Kimpoy. 

Naging maingay ang pangalan ng dalawa matapos depensahan ni Kimpoy si Heaven sa mga bashers dahil lamang sa isang litrato na kumalat kung saan makikita silang naliligo sa isang ilog. 

READ: Kimpoy Feliciano defends Heaven Peralejo: ‘Wala naman pong masama kung may iba akong kasama’

Samantala, nag-post naman si Heaven sa kanyang Instagram ng isang litrato kung saan makikitang suot-suot niya ang isang puting dress at may dalang champagne glass. 

“22 rotations around the sun and cheers to more,” saad niya sa caption ng kanyang post. 

Maliban sa mga natutunan at grasya na dumating sa kanyang buhay, pinasalamatan din si Heaven sa mga taong tumulong umano sa kanya upang mabuo kung sino man siya ngayon. 

“Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming. Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!” sambit ni Heaven. 

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa sa kung ano nga ba ang tunay na relasyon nila.