Seth Fedelin on working with veteran stars in ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Natakot ako at kinabahan nung una’ | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Seth Fedelin on working with veteran stars in ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Natakot ako at kinabahan nung una’

Seth Fedelin on working with veteran stars in ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Natakot ako at kinabahan nung una’

Rhea Manila Santos

Clipboard

After bringing to life the role of Pio Estopacio in the inspirational drama series Huwag Kang Mangamba for the past seven months, teen actor Seth Fedelin said he has learned a lot from being part of the show. Seth shared some words for his peers who have been following the show.

Yung masasabi ko lang, yung napulot kong aral sa Huwag kang Mangamba na puwede ko sabihin sa lahat ng kabataan, siguro may mga bagay na matatanda ang puwede gumawa. Pero merong bagay na kaya ring gawin ng mga kabataan. Gaya ng ginawa namin na gumawa kami ng hakbang para maiayos yung bayan namin, yung panininwala ng mga tao kung sino ang totoong Panginoon, kung sino si Bro,” he said.

The 19-year-old actor believes in the power of youth, as seen in the series which has a primarily young cast.

Kumbaga kaya naming kumilos sa paraan na kaya namin. Hindi na kailangan ng magulang, hindi na kailangan ng matatanda. Kumbaga, kaya naming maging isang buong grupo lahat ng kabataan. Ngayon nga napapanahon dahil malapit na ang eleksiyon halimbawa na lang. Yun ang napapansin ko sa mga Gen Z, talagang mas active sila sa social media. Yung mga opinyon nila nasasabi nila. Yung mga kabataan ang dami na nilang imik, ang dami na nilang say. Kasi nakikita na nila yung nangyayari. May paki na sila, paki na kami sa nangyayari. Kaya natin ito. Tulungan natin. Hindi lang yung matatanda yung dapat natin asahan kundi may mga kaya tayong bagay na pag nag-sama sama tayo ay mababago natin,” he explained.

ADVERTISEMENT

Seth also shared some of the most memorable moments he had on the set of Huwag Kang Mangamba.

Hindi ko malilimutan na nangyari sa akin while doing Huwag Kang Mangamba siguro yung unang araw taping na day one. Kasi si direk Manny (Palo) yung director namin, I think December yung unang lock-in namin and then kasi dati nung wala pang pandemic, I saw direk Manny and then sabi ko sa kanya, ‘Direk, sana makatrabaho kita balang araw.’ And then dumating na nga na naging director ko siya. Sobra akong kinakabahan (laughs). At saka hindi ko makakalimutan meron kaming game sa taping ni kuya Doms (Ochoa) na nag-i-improv, na bawat eksena na magkasama kami, ibahan kami ng atake and then pagandahan kami ng atake ni kuya Doms. So para kaming nag-wo-workshop at masaya ako,” he said.

After getting the opportunity to work with veteran actors like Eula Valdes and Sylvia Sanchez, Seth recalled how he felt during the first few days of their lock-in taping.

Natakot ako at kinabahan nung una kasi siyempre alam mo yung magkamali ka siyempre nakakahiya kasi oras nila yung naaabala. Imbis na mabilis lang yung eksena matatapos, yun yung iniisip ko. So nung natakot ako, sinabi ko sa sarili ko na dapat hindi nila ako makitaan ng takot. Dahil unang una, para ka lang first day sa school na magpapakilala ka tapos nahihiya ka kasi bago yung mga kaklase mo. So excited ako pag babalik kaming lock-in kasi sabi ko sa sarili ko na hindi ako pupunta dun para magtrabaho, hindi ako pupunta dun para samahan ko yung mga kaibigan ko, hindi ako pupunta dun para magliwaliw at mag-enjoy.

Ang nasa isip ko pumunta ako dun para matuto at pupuntahan ko yung mga guro ko. Dahil bawat isa sa kanila may napupulot akong aral, may napupulot akong bihasa sa craft ko and then sa personal kong buhay lalo na. Una natakot ako at kinabahan ako pero ginamit ko yun bilang motivation na hindi ko dapat ipakita sa kanila na natatakot ako, dahil andiyan sila tutulungan ka nila. Hindi ka nila pababayaan, hindi ka nila ida-down, ganun sila. I-a-angat ka nila. Ang gagawin nila sasabihan ka nila ng best para sa ‘yo, papayuhan ka nila at pag-uwi mo may baon ka. Next show mo may baon ka na sila ang nagturo,” he said.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.