Andrea Brillantes, kinailangang mag-social media detox | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Andrea Brillantes, kinailangang mag-social media detox

Leo Bukas
Published Nov 28, 2021 11:59 PM PHT

Bilang isang karaniwang kabataan mula sa tinatawag na Generation Z, malaki talaga ang epekto ng social media sa personal na buhay ni Andrea Brillantes. Hindi raw kasi talaga maiwasang makatanggap siya ng pamba-bash at panghuhusga kaya minsan ay nagdedesisyon siyang magso-social media detox o i-off ang kanyang Facebook, Instagram, at Twitter.

“Never ka dapat maging too dependent sa isang bagay. Masyado na kasing naging dependent ang generation ko with social media. Na nakakain na rin kami ng social media,” simulang pahayag ng Kapamilya actress.

Dugtong ng dalaga, “I admit, may times na pag pagod na pagod na ako, nagti-TikTok lang ako buong araw, buong oras. Pero pag trabaho, iniiwas ko talaga.

“Recently, nag-detox ako sa Messenger, sa Facebook. Umiwas lang for ako a bit. Tapos, bumalik din ako. Minsan, kailangan mo din na humiwalay sa mga bagay na nao-overwhelm ka para maging mas healthy ka as a person.”

ADVERTISEMENT
Nakausap ng PUSH at ilang entertainment press si Andrea sa ginanap na launching ng Beautederm health booster na Reiko at Kenzen na ginanap noong November 25. Si Andrea ang kinuha ng kompanya ni Rhea Tan para i-represent ang Gen Z dahil alam niyang marami ang umiidolo sa dalaga.

Sa ginanap na presscon ay pinayuhan din ni Andrea ang Gen Z na mag-social media detox paminsan-minsan at ituon ang atensyon sa pamilya at ibang kapaki-pakinabang na mga bagay.

“Social media detox can really help. Kasi minsan, hindi natin alam kung gaano na tayo naaapektuhan ng social media ngayon, eh. Kasi naiintindihan ko, wala naman tayong magagawa. Nasa sa kuwarto lang tayo. Ano pa ang gagawin natin kundi mag-TikTok, mag-Instagram, mag-Twitter.

“Pero we can work out. We can read books. We can talk more with our family members. We can create a new hobby, we can learn a new instrument,” payo niya.

“Kasi sometimes, ang social media, if it’s used in a good way, magiging maganda. Pero madalas kasi, hindi natin nakokontrol, eh. Dahil dali-dali lang mag-type, ang daling magsabi ng negative comments sa kapwa.

“Kaya ang best advice ko is iwas na lang din, and alam ko naman, low-key tayo ngayong pandemic. So, it’s very important to keep close contact with your friends to keep you sane, and to your family members,” dagdag na payo ni Andrea sa mga kabataan.

Hindi naman naiwasang magbalik-tanaw ni Andrea sa kanyang mga pinagdaanan noon na mabuti na lang daw at hindi niya sinukuan.

"Actually, it was never ‘I almost gave up.’ I wanted to, but I kept on fighting,” diin niya. “It was mostly my mom who wanted me to give up. Kasi, siya na yung nahihirapan para sa akin.

“Pero ako yung inilalaban na, ‘Hindi, eh!’ Ito lang yung pangarap ko ever since I was three years-old. And artista na ako noong seven years-old ako. So, ito lang yung alam ko sa life. Dito ako lumaki. Ito yung buhay ko. So, kahit pabigay na ako, inilaban ko pa rin talaga,” pagmamalaki pa ni Andrea.

“And kung meron man isang bagay na pinaka-grateful ako, sa lahat ng dumating sa akin, is yung strength siguro na meron ako. Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi ako bumigay. Kasi, kung nag-give up ako, hindi ko rin mararating kung anong meron ako ngayon.

“At gusto ko rin magpasalamat siyempre sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal, hindi napagod sa akin. Sa mga kaibigan ko na pinalakas ako, and of course, sa Diyos,” huling pahayag ni Andrea.