• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Never give up your dreams,’ ang naging motto ni Andrea Brillantes.

Andrea Brillantes, inamin na muntik nang talikuran ang show business

‘Never give up your dreams,’ ang naging motto ni Andrea Brillantes.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2021 03:42 PM
Andrea Brillantes, inamin na muntik nang talikuran ang show business
Photo credit: @blythe Instagram

Feeling blessed and grateful ngayon ang young Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa patuloy na pagpasok ng blessings sa kaniyang karera.

Isa si Andrea sa mga ipinakilala ng Beautéderm corporation bilang bagong bahagi ng kanilang pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Kasabay ng launch, isang pag-amin ang ibinahagi ng Kapamilya star tungkol sa kaniyang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay ngayon: minsan na daw niyang pinag-isipan na tumigil na sa showbiz.

“It was my mom [who] wanted me to give up. Kasi siya na ‘yung nahihirapan para sa akin, pero hindi e’. Ito na ‘yung pangarap ko, ever since three-years old [ako], artista na ako noon seven-years old. So ito na po ‘yung alam ko sa life, dito ako lumaki, ito ‘yung buhay ko, so kahit na pabigay na ako, inilaban ko pa rin talaga and kung mayroon man isang bagay na pinaka-grateful ako sa lahat ng dumating sa akin, is yung strength na mayroon ako,” bungad ni Andrea.

Mahirap man at hindi biro ang kaniyang sinuong na pangarap, proud si Andrea sa kaniyang sarili sa hindi pagsuko sa naging hamon sa kaniyang buhay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

“Pinaka-grateful ako sa sarili ko na hindi ako bumigay. Kasi kung nag give up ako, Hindi ko rin mararanasan kung ano ang mayroon ako ngayon. And gusto ko rin magpasalamat siyempre sa pamilya ko na nagbigay sa akin ng pagmamahal at hindi napagod sa akin, sa mga kaibigan ko na pinalakas ako. And of course, sa Diyos.”

Sa kaniyang tinahak na mga pagsubok, isa rin sa major realizations ng Kapamilya star ay ang pagiging inspirasyon sa kaniyang mga taga-subaybay.

“Nagpapasalamat pa rin ako na pinagdaanan ko lahat ng yon, kasi kung hindi, hindi ako magiging kung sino ako today, and na-realize ko rin na lahat ng dumating sa buhay ko, mayroon akong natulungan. Lahat ng pinagdaan ko, mayroong mga kapwa Gen Z na nakikita na ‘kung kinaya niya, kaya ko rin’ so masaya ako na isa akong inspirasyon sa generation ko,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Bukod sa sunod-sunod na product endorsement, aktibo ngayon si Andrea sa iba’t ibang proyekto under ABS-CBN kabilang na ang Saying Goodbye na malapit na mapapanood sa iQiyi digital streaming kasama si Seth Fedelin.