• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda masaya sa pagbibida ni Hashtags member Wilbert Ross sa pelikula

Hashtags member Wilbert Ross, bibida na din sa pelikula kasama si AJ Raval

Vice Ganda masaya sa pagbibida ni Hashtags member Wilbert Ross sa pelikula

Hashtags member Wilbert Ross, bibida na din sa pelikula kasama si AJ Raval-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2021 09:58 AM
Hashtags member Wilbert Ross, bibida na din sa pelikula kasama si AJ Raval

Leading man na ni AJ Raval sa pelikulang Crush Kong Curly ng Viva Films na ipapalabas sa Vivamax sa December 17 ang Hashtags member na si Wilbert Ross. Labis itong ikinatuwa ng binata dahil finally ay nabigyan na rin siya ng malaking break sa isang sexy comedy film.

Masaya rin si Vice Ganda na dati niyang kasamahan sa It’s Showtime dahil sa magandang development sa kanyang career.

Kuwento ni Wilbert, “Nung lumabas ang trailer, sabi ko, ‘Hi Ma, bida na ako.’ Sabi niya, ‘Wow!’ Nag-congrats siya sa akin.”


Sa tanong namin kay Wilbert kung may partisipasyon o tulong ba si Vice para magbida siya sa Crush Kong Curly ay kaagad niya itong itinanggi. 

“Actually, si Ganda, pagdating sa mga ganyang bagay, hinahayaan niya kami na mag-strive hard for that. Kapag nasa show niya mismo, yung harap-harapan, binibigyan niya kami ng chance.

“Like sa GGV (Gandang Gabi Vice) dati, chance to sing, chance to talk, para makita ng mga tao. Pero pagdating sa mga connect-connect, so far, walang ganun. Ang alam ko kay Ganda, gusto niya na mag-strive hard kami para maabot yung gusto namin, hindi yung may tulong niya. Pero always siya na nandiyan to support us,” paglilinaw ng binata.

BASAHIN: Hashtag Wilbert, binalikan ang pagtalikod sa scholarship sa Indonesia para sa showbiz: ‘Iniwan ko lahat’

Kahit matagal bago nagkaroon ng malaking break sa pelikula ay hindi raw pumasok sa isip ni Wilbert ang mag-quit sa showbiz.

Lahad niya, “Never sumagi sa isip ko na mag-quit kasi feel ko, until buhay ako, may chance.”

Ibinahagi rin ni Wilbert sa PUSH na masaya siya sa mga nangyayari sa personal na buhay ng ibang kasamahan niya sa Hashtags tulad nina McCoy de Leon na may anak na at si Nikko Natividad na katatapos lang magpakasal sa longtime girlfriend.

“We’re ready to move on sa kanya-kanya naming mga karera. Happy ako na yung mga kagrupo ko ngayon, kung ano yung gusto nila, yon ang parang napuntahan nila. I’m so happy for McCoy de Leon. Yung sa kanila kasi ni Elisse (Joson), pang-movie talaga na love story.

“Like, from PBB to real-life, nag-break man, nagbalikan, tapos ngayon may baby na. Sobrang happy ko para sa kanya. Tapos si Nikko, kasal na rin, happy ako sa kanila,” sabi pa ni Wilbert.

READ: STARS STAYING HOME: How Hashtag Wilbert, a probinsyano, dealt with the quarantine

Gusto rin nga palang linawin ng leading man ni AJ ang misconception na suplado siya.

“Judgement lang siguro nila sa akin yon na masungit ako. Kasi galing ako ng probinsya. Probinsyano po talaga ako bago ako nag-Hashtag sa showbiz. Tapos na-judge akong ganu’n. 

“Pero the real reason is, nahihiya ako. And I feel so... parang mababa with the people in Showtime, the staff and all the artists, kaya po ako yumuyuko at nahihiyang pumansin. Yon po yung judgement na na-misinterpret sa akin before,” paliwanag pa niya.