• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinalikuran ni Wilbert Ross ang Engineering scholarship na ipanagkaloob sa kanya ng Indonesia.

Hashtag Wilbert, binalikan ang pagtalikod sa scholarship sa Indonesia para sa showbiz: ‘Iniwan ko lahat’

Tinalikuran ni Wilbert Ross ang Engineering scholarship na ipanagkaloob sa kanya ng Indonesia.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/09/2021 05:10 PM
Hashtag Wilbert, binalikan ang pagtalikod sa scholarship sa Indonesia para sa showbiz: ‘Iniwan ko lahat’
Screenshot from Kid Yambao YouTube Channel

Binalikan ni Hashtags member Wilbert Ross ang naging desisyon niyang talikuran ang libreng pag-aaral na ipinagkaloob sa kanya ng gobyerno ng Indonesia para makapasok sa showbiz. 

Sa panayam ni Wilbert sa kapwa Hashtags member Kid Yambao, inamin ni Wilbert na sumugal siya. 


“Knowing na ‘yung time na ‘yun, very gipit, walang family. Sumugal talaga ako. Iniwan ko lahat. Malaking bagay siya sa akin kasi scholar ako ng Indonesia,” saad ni Wilbert. Paglilinaw niya: “Indonesian Consulate mismo.” 

Pag-amin ni Wilbert, tiniis pa umano niya ang pagtira sa isang squatters area sa Lungsod Ng Quezon kahit noong nasa Hashtags na siya.

https://push.abs-cbn.com/2020/3/26/fresh-scoops/stars-staying-home-how-hashtag-wilbert-a-probins-22377

Aniya, magiging inhinyero sana siya sakaling hindi niya tinalikuran ang libreng pag-aaral na ipinagkaloob sa kanya ng gobyerno ng Indonesia.

“Parang inabandona ko ‘yung sure. Pati ‘yung trabaho. Sinakprisyo ko lahat. Kasi ‘yung sitwasyon ko nasa safe zone na ako eh. Simple na ‘yung buhay ko eh. Gagawin ko lang ‘to magiging Engineer na ako eh. Magkakatrabaho na ako,” pagbabahagi ni Wilbert. 

https://www.youtube.com/watch?v=mkZOXW-K-zo

“Kumbaga tinalikuran ko pa ‘yung para dito sa hindi sigurado. Sobrang hirap pa,” saad pa niya. 

Gayunpaman, nagpapasalamat si Wilbert dahil hindi umano siya pinahirapan ng Panginoon na makapasok sa Hashtags. 

“Without me knowing kung gaano kahirap pumasok sa showbiz. Swinerte ako. Kasi pumunta ako dito 2016. November. Tapos naging Hashtags ako 2017 na. Hindi ako pinahirapan ni God,” saad pa niya.

Panoorin ang video sa ibaba: 

Maliban sa Hashtags, sumali din si Wilbert sa mga Pinoy Boyband Superstar at “Tawag Ng Tanghalan” ng It’s Showtime