• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Brenda Mage ang ikapitong celebrity housemate sa inaabangang edisyon ng ‘Pinoy Big Brother.’

Brenda Mage papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Si Brenda Mage ang ikapitong celebrity housemate sa inaabangang edisyon ng ‘Pinoy Big Brother.’

BY
Push Mina

FRESH SCOOPS

10/08/2021 05:18 PM
Brenda Mage papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Ang komedyante na si Brenda Mage ang ikapitong celebrity housemate na napiling papasok sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother

Si Kim Chiu ang mismong nagkumpirma sa komedyante sa kanyang pagsali sa sikat na reality show sa pamamagitan ng streaming app na Kumu. 

 


 

Ngunit bago ito, sumabak muna si Brenda sa isang challenge kung saan kinailangan niyang kainin ang pagkain na nasa kanyang harapan. 

Hindi naman napigilinang mapasigaw ni Brenda na mapasigaw ng basahin ang liham na ipinadala sa kanya ni Kuya.

READ: ‘Dati 5,000 lang’: Buwanang kita ni Brenda Mage, umaabot ng six digits

Ito umano ang ikaapat na beses na sinubukan niyang sumali sa Pinoy Big Brother.

Nakilala si Brenda Mage sa kanyang pagsali sa sikat na segment ng It’s Showtime na Ms. Q&A kung saan siya ang tinanghal na 3rd-runner up. 

Matapos ang kanyang pagsali sa nasabing kompetisyon, unti-unti nang lumabas si Brenda sa iba’t-ibang teleserye sa Kapamilya network. 

READ: Brenda Mage, inaming positibo ang naging epekto ng pandemic at lockdown

Bago ito sumali ng Ms. Q&A, nagtrabaho si Brenda sa isang comedy bar sa Japan. 

Lumabas din si Brenda sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado.