• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaabot lamang umano ng limang libong piso ang kinikita ni Brenda Mage noon at minsan ay inaabot pa ng apat na buwan bago siya makatanggap ng pera sa pagba-vlog.

‘Dati 5,000 lang’: Buwanang kita ni Brenda Mage, umaabot ng six digits

Umaabot lamang umano ng limang libong piso ang kinikita ni Brenda Mage noon at minsan ay inaabot pa ng apat na buwan bago siya makatanggap ng pera sa pagba-vlog.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/14/2020 09:20 AM
‘Dati 5,000 lang’: Buwanang kita ni Brenda Mage, umaabot ng six digits

Ibinahagi ng dating ‘Miss Q&A’ grand winner na si Brenda Mage na umaabot na sa 100,000 hanggang 300,000 ang kinikita niya buwan-buwan mula sa pagba-vlog. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@cakery.ph Thabkyou so much :)


A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage) on

 

Sa panayam ni Brenda sa Magandang Buhay, ikinuwento nito kung paano siya nanatiling positibo sa kabila ng mga negatibong nangyayari ngayon.

Ani Brenda, tumaas umano ang kita niya mula sa pagba-vlog niya at tumaas umano ang bilang ng mga nanonood sa mga inilalabas niya sa kanyang YouTube channel. 

“Para sa akin, medyo unfair sa mga nagsa-suffer dahil sa nangyayari sa ngayon. Pero sa akin sobrang positive ang nangyari kasi naging advantage ko siya as content creator o vlogger. Parang mas lumaki ang kita ko, mas tumaas ang viewers ko kasi nga nasa bahay lang ako nagba-vlog,” ani Brenda. 

Dagdag pa ni Brenda na ngayon ay kasama sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, ginawa niyang motivation ang mga tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na nanonood sa kanya para ipagpatuloy ang pagpapasaya. 

“So ginawa ko siyang motivation para makapagpasaya sa ibang taong nadi-depress. Kahit sa mga nasa ibang bansa at dito sa Pilipinas na nawalan ng trabaho, nasa bahay lang, pinapanood nila 'yung videos ko,” saad ni Brenda.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ah eh ... wala toh :)

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage) on

 

Naging bukas naman si Brenda nang pag-usapan ang tungkol sa buwanang kita niya mula sa paggawa ng mga videos sa YouTube. 

Pagbabahagi ni Brenda, umaabot na siya ng six digits kada buwan mula sa limang libong piso noon. 

"Dati four months ako bago kumita. Unang kita ko P5,000. Tuwang-tuwa na ako. Tapos nung medyo nakilala na ako sa Miss Q&A, ang dami nang nagti-trend na videos. Ngayon so far both kumikita ako sa Facebook at YouTube. Tapos pareho silang tig-six digits. Sa ngayon sa nangyayari sobrang laki na 'yan,” saad niya.

LOOK: Comedians and ‘Showtime’ hosts show support for Papa Pogi premiere night

Pag-amin pa ni Brenda, umaabot na sa 100,000 hanggang 300,000 ang kinikita niya sa pagba-vlog buwan-buwan. 

"Sobrang sarap sa feeling din kasi. Kasi kapag kumikita ko, ang kita ko sa Facebook diretso sa bangko. Ang kita ko sa YouTube, bukod sa pamilya ko at mga baklang kasama ko, 'di ko lang bina-vlog. ‘Yung iba bumibili ako ng bigas. May certain areas na nagbibigay ako ng relief goods, mga ganoon,” aniya. 

Panoorin ang video sa ibaba:

Ipinanganak bilang Bryan Roy Tagarao, nakilala si Brenda Mage sa pagsali nito sa Miss Q&A InterTALAKtik segment ng It’s Showtime

Umaarangkada din ang karera ni Brenda sa aktingan dahil parte din siya ng seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin” kasama sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano.