• Home
  • Fresh Scoops
  • Brenda Mage, tumulong din sa mga kaibigang naapektuhan ng lockdown.

Brenda Mage, inaming positibo ang naging epekto ng pandemic at lockdown

Brenda Mage, tumulong din sa mga kaibigang naapektuhan ng lockdown.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/20/2021 11:44 AM
Brenda Mage, inaming positibo ang naging epekto ng pandemic at lockdown

Masayang ibinahagi ng comedian/vlogger na si Brenda Mage sa presscon ng pelikulang Ayuda Babes na positibo ang naging epekto sa kanya ng pandemic at lockdown dahil sa COVID-19. Kung ang iba raw ay nakaramas ng kakapusan sa pera, siya raw ay masuwerteng hindi.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Si Brenda na Miss Q and A grand finalist ng It’s Showtime at regular na napapanood sa Kapamilya series na Ang Sa Iyo Ay Akin bilang assistant ni Jodi Sta. Maria  ay isa sa mga bida ng Ayuda Babes na mapapanood sa iWantTFC at Ktx.PH simula March 5. The movie is produced by Saranggola Media Productions and directed by Joven Tan.


“Ako po, hindi naman po sa pagmamayabang  pero yung pandemic po naging… kung sa iba naapektuhan talaga sila during lockdown, sa side ko po medyo naging positive po yung dating sa akin,” pag-amin ni Brenda.

Patuloy niya, “Kasi bukod sa pagko-comedy bar po, ang naging soure of income ko po ay ang pagba-vlog ko. Because ang mga tao nasa bahay lang po, mas malaki po yung chance na tumaas yung views ko for vlogging so mas lumaki yung income ko sa YouTube na hindi ko inaasahan.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Ayon pa kay Brenda hindi rin siya naka-experience ng depression at anxiety during pandemic. Nagawa rin niyang tulungan ang mga kaibigan at pamilya dahil sa kinikita niya sa YouTube.

“Hindi po ako nagkaroon ng depression, ng anxiety attack,” sabi pa niya. “Marami po akong friends na naapektuhan and I’m so happy kasi I was able to help them dahil ako naman ang kumikita.

“Nagkaroon din ako ng chance na magpunta sa lugar kung saan masyadong apektado. Yung iba hindi masyadong nakikita sa social media, yung iba nakikita naman -- namimigay po ako ng mga relief goods galing sa mga kinita ko sa vlogs.

“Yung pamilya ko natulungan ko sa probinsya. Tapos yung mga friends kong naapektuhan kinupkop ko muna lahat sa bahay tapos ako rin ang nagsu-support sa kanila. Yon ang naging thankful ako kasi don ko napakita na kahit papaano kaya ko palang tumulong sa ganung paraan,” pahayag pa ni Brenda.

Samantala, kasama rin ni Brenda sa Ayuda Babes sina Gardo Versoza, Juliana Parizcova Segovia, Petit, Ate Gay, Negi, Christi Fider, Dan Delgado, Berni Batin at marami pang iba.