• Home
  • Fresh Scoops
  • Jomari Yllana at Abby Viduya nagkabalikan after almost 30 years.

Jomari Yllana at Abby Viduya, ikinuwento kung paano sila nagkabalikan

Jomari Yllana at Abby Viduya nagkabalikan after almost 30 years.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/31/2021 07:17 PM
Jomari Yllana at Abby Viduya, ikinuwento kung paano sila nagkabalikan
Photo credit to @abby_viduya Instagram

First love never dies.” 

Parehong 15 years old pa lang noon sina Jomari Yllana at Abby Viduya na kilala rin noon sa screen name na Priscilla Almeda nang ma-in love sila sa isa’t isa at magkaroon ng relasyon. Ayon sa kuwento ng dalawa, nasa Hong Kong sila noon para sa promo ng Gwapings: The Movie at pictorial ng Bench clothing apparel kasama ang iba pang miyembro ng Gwapings (Eric Fructouso at Mark Anthony Fernandez) nang mabuo ang kanilang short-lived love affair. 

“Kami ni Abby, kami yung first girlfriend, first boyfriend. Kaya lang short lived yon, short lived yung relasyon namin,” balik-tanaw ni Jomari. 


Marami rin nangyari sa amin. Ako, I made it a bit do’n sa mga serious na pelikula. Siya naman, she made it big also sa mga serious na pelikula niya. We we’re like on the top of our game, yung career namin nung panahon na yon. And then, marami ang nangyari sa buhay namin

Parang kami, kung saan kami nagtapos noong kabataan namin, doon din namin pinulot noong nagkabalikan kami. Mas mature na tao, mas mature na relasyon. Pareho naming hindi nakakalimutan yung mga pinagdaanan namin in the past,” kuwento pa ng actor. 

Read:Ex live-in partner ni Jomari Yllana, naputulan ng kuryente dahil sa kakulangan ng suporta ng aktor

Ngayon ay pareho nang 45 years old sina Jomari at Abby. Kung 15 years old sila naging mag-on and now that they are already 45, it took almost 30 years bago sila nagkabalikan. At sino ba ang mag-aakala na kung kailan sila nagka-edad ay saka nila na-realize na mahal pa rin nila ang isa’t isa. 

Ayon pa kay Jomari, malaking bahagi ang social media para mag-reconnect sila ni Abby at ituloy ang naudlot nilang love affair noon. 

Lahad niya, “Nag-connect kami sa social media noong 2015. At that time, we were good friends. Nagkukuwentuhan kami. We both decided na mag-visit siya sa Philippines

Naging open ang communication naming dalawa, nasa Canada siya and then, two years ago, nag-decide kami na, ‘Umuwi ka. Para makita mo naman ang Pilipinas.’ And we both agreed na to give it a try, to give it a shot.” 

Taong 2019 nang magdesisyon si Abby na iwanan ang buhay niya sa Canada at manirahan kasama si Jomari sa Pilipinas. Ayon sa dating aktres, hindi rin niya inakala na magkakabalikan pa sila ng teenage boyfriend niya noong ‘90s. 

Never in a million years na naisip ko na magkakabalikan kami,” reaksyon naman ni Abby. 

Kasi for the longest time, we didn’t have communication. And mga 2015 when we started talking each other again as friends. Sa online, messenger, through social media we found each other kaya nagkaroon kami ng connections ulit and I think this is the time na he’s preparing to run for public office in 2016,” kuwento pa ni Abby. 

Inamin din nito na hindi naman daw nawala ang pagmamahal niya kay Jomari kahit nagkaroon na siya ng ibang karelasyon noon. 

Nung naghiwalay kasi kami mga bata pa kami. It’s so nice to be back with him now. The future that we’re building together, it’s so nice. With Jom, I felt secure because he gets me, he understands me, everything and with Jom, yung pagmamahal niya sa akin hindi nawala. The way he loves me I feel protected and understood and yung respect for each other is there,” sabi ulit ni Abby. 

Read: Priscilla Almeda, balik-showbiz matapos ang mahigit 10 taon

Ipinagpapasalamat naman ni Jomari na dumating si Abby sa buhay niya nung panahon ng pandemic na mas kailangan niya ang makakasama sa buhay. 

Aniya, “Sa gitna ng pandemic, the more you appreciate each other no matter what. I have my own imperfection, si Abby ganun din. But everything seems perfect kapag magkasama kami

Kasi, ano ’to, eh, panahon ng pandemic, masyadong mabigat sa ating lahat. So, I look at the imperfection of my partner and I came to a solution na yung imperfection ko and imperfection niya became perfect kapag magkasama kami

Siguro, may mga kasabihan na kayo lang ang makakasabi kung sino talaga ang katapat n’yo. Okey na ’ko rito, nakatuluyan ko yung leading lady ng Gwapings,” nakangiting pahayag ng aktor. 

May plano ba silang magpakasal ni Abby? 

Tugon ni Jomari,  “Plano? Wala naman, although napag-uusapan kasi ano na kami, malapit ng mag-half century. Malapit ng mag-singkuwenta. Hahaha! Magkaedad kami ni Abby.” 

Dugtong niya, “Ang pina-plano namin sa buhay hindi na para sa amin kundi para sa mga apo na namin, so, kami naman gusto namin mailagay sa tahimik yung relasyon namin kung saan parehong hindi namin naiisip noong kabataan namin, naiisip naming ngayong nasa edad na kaming ganito. 

Napag-uusapan namin (ang kasal) pero wala namang definite na plans. Mangyayari man yun. Mauuna kayong makaalam. Hahaha!” 

Eh, ang bumuo ng sariling pamilya at magka-anak kasama rin ba sa plano? 

Kayang-kaya pa naman Leo,” sabay tawa ni Jom nang malakas. “Si Bossing Vic (Sotto) nga kayang-kaya, di ba? Kaya ko pa naman.  Kung mapagbibgyan tayo ng pagkakataon isang napakalaking blessing yan,” huling pahayag ni Jomari sa PUSH.