Cinderella Faye Obeñita is Miss Intercontinental 2021 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cinderella Faye Obeñita is Miss Intercontinental 2021

Cinderella Faye Obeñita is Miss Intercontinental 2021

Kiko Escuadro

Clipboard

Stand out ang gandang Pilipina na si Cinderella Faye Obeñita sa katatapos lang na 49th edition ng Miss Intercontinental pageant sa Sunrise Diamond Beach Resort sa Egypt.

Ang 25-year-old beauty mula sa Cagayan De Oro ang ikawalang Pinay beauty na nakasungkit ng titulo sa Miss Intercontinental beauty pageant na unang nakuha ni Karen Gallman noong 2018.

Sa uploaded clips ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated, ibinahagi nila ang ilan sa winning moments ng Pinay beauty.

Bago pa man ang coronation night, nagpasiklab na ang Pinay beauty kung saan ibinida niya ang tatak Pinoy na kasuotan.

ADVERTISEMENT

Sa National costume, itinampok ni Obeñita ang Diwata-inspired costume kung saan umangat ang kaniyang kagandahan.

Bukod dito, bitbit rin niya ang classic Pinay superhero costume na Darna na nagpa-wow sa netizens.

Kasunod ng achievement ni Obeñita, isang pagbati naman ang ipinabot ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Matatandaan na sa 2021 Binibining Pilipinas pageant, isa si Obeñita sa mga wildcard candidate na sorpresang umangat at kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Intercontinental.

Samantala, hinirang naman na 1st runner-up si Miss Mexico, Paulina Uceda; 2nd runner-up si Miss England, Romy Simpkins; 3rd runner-up si Miss Seychelles, Kelly-Mary Anette; 4th runner-up si Miss Canada, Kaitlyn Li habang 5th runner-up naman si Miss Colombia, Maria Paula Castillo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.