• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naawat sa rampahan ang 34 na kanidata sa naganap na 2021 Binibining Pilipinas Coronation night.

Masbate Beauty Hannah Arnold is 2021 Binibining Pilipinas International

Hindi naawat sa rampahan ang 34 na kanidata sa naganap na 2021 Binibining Pilipinas Coronation night.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/12/2021 03:13 PM
Masbate Beauty Hannah Arnold is 2021 Binibining Pilipinas International
Photo Credit: @arnoldhan_ Instagram

Kinoronahan na ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang mga bagong batch ng kandidata na lalaban sa iba’t ibang pageant arena.

Apat na korona ang nasa ilalim ngayon ng Binibining Pilipinas: Bb. Pilipinas Globe, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Grand International, at ang Bb. Pilipinas International. Ang titulo ng Bb. Pilipinas International ang nakuha ng Masbate beauty na si Hannah Arnold.

Masbate Beauty Hannah Arnold is 2021 Binibining Pilipinas International


Agaw eksena si Arnold sa kaniyang naging performance mula swimsuit, evening gown hanggang sa talas ng kaniyang sagot sa question and answer portion.

 

 

 

Sa question and answer, sinagot ng Masbate beauty ang tanong ng judge kung naniniwala pa ba siya sa “genuine freedom of speech” dito sa Pilipinas.

"First of all, freedom of speech is a basic human right that we all must remember. It is important for a democracy. With our upcoming elections, we definitely need free speech. For example on Twitter, we are limited to few characters and what I’ve seen from these tweets has been powerful and has helped me think about who I would like to vote for in the upcoming elections,” sagot ng Masbate beauty.

2021 Binibining Pilipinas Winners Hannah Arnold Samantha Panlilio Cinderella Faye Obenita Maureen Montagne Gabby Basiano Meiji Cruz

Bukod kay Hannah Arnold, kinoronahan rin bilang Bb. Grand International si Samantha Panlilio. Bb. Pilipinas Intercontinental si Cinderella Faye Obenita, at Bb. Pilipinas Globe si Maureen Montagne.

Samantala 1st Runner Up naman si Gabby Basiano habang 2nd Runner Up si Meiji Cruz.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung tuloy na sa darating na Nobyembre ang 2021 Miss International pageant sa Tokyo, Japan.