• Home
  • Fresh Scoops
  • Umpisa na ang taping nina Gerald Anderson at Gigi de Lana para sa ‘Hello Heart.’

TINGNAN: Gerald Anderson at Gigi de Lana, nagsimula na mag-taping para sa ‘Hello Heart’

Umpisa na ang taping nina Gerald Anderson at Gigi de Lana para sa ‘Hello Heart.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/28/2021 04:52 PM
TINGNAN: Gerald Anderson at Gigi de Lana, nagsimula na mag-taping para sa ‘Hello Heart’
Photo credit to @starcreativestv Instagram

Nagsimula na ang taping para sa inaabagang serye na pagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana. 

Ani Gigi, nagulat siya nang malaman na si Gerald ang makakapareha niya sa nasabing serye. 


“Nung narinig ko yung offer na magkakaroon ako ng serye, nagulat ako. Totoo ba to? Sa puso ko excited, kabado. First time ko eh,” ani Gigi base sa ulat ng ABS-CBN News. 

Dagdag pa nito: “Ang partner ko pa Gerald, ang tagal na nito. Mai-intimidate ako kahit di ko pa siya nakikita.” 

“Kinabahan ako. Paano kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na,” pagpapatuloy pa niya. 

READ: Gerald Anderson at Gigi de Lana, magsasama sa isang international na proyekto

May payo naman si Gerald para kay Gigi ngayong lumabas siya sa kanyang nakasanayan na kantahan at panibagong mundo. 

“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo ng stamina sa trabahong ito. Meron pa tayong 3 days then rest then 4 days ulit. So stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,” saad ni Gerald. 

Ayon pa kay Gerald na isang fitness enthusiast, kailangan na umanong simulan ni Gigi ang pag-eehersisyo at ituring na itong lifestyle lalo pa’t nasa industriya siya ng showbiz. 

 

 

“Naiintindihan ko naman siya kasi yung momentum talagang pag relax ka na...sa iba yung workout parang trabaho rin yun eh. Pero sa awa ng Diyos, para sa akin lifestyle. But it's hard. Sana makapag-inspire pa ko ng ibang tao mag-workout,” aniya.

Samantala, ibinahagi naman ni Gigi ang kanyang mga inaasahan ngayong pinasok niya na ang mundo ng aktingan. 

“More learnings talaga sa genre na ito. More patience din sa sarili ko. Kanina gusto ko na sampalin yung sarili ko kasi parang di ko siya nagagawa. Kailangan ko pa mag-focus,” ani Gigi. 

 

 

“Tiwala sa lahat ng nakakasama ko. Mas ibigay ko pa yung mas nararapat sa role ko,” dagdag pa nito. 

Ipapalabas ang Hello Heart sa streaming platform na iQiyi.