• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ actress Sylvia Sanchez shares why she has decided to take a hiatus from acting after doing back-to-back projects these past few years.

Sylvia Sanchez to take a break from acting after ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Napagod ako ng sobra’

‘Huwag Kang Mangamba’ actress Sylvia Sanchez shares why she has decided to take a hiatus from acting after doing back-to-back projects these past few years.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/27/2021 09:53 AM
Sylvia Sanchez to take a break from acting after ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Napagod ako ng sobra’
Photo credit to @sylviasanchez_a Instagram

With her drama series Huwag Kang Mangamba now nearing its November 5 finale, Sylvia Sanchez said it has been an honor for her to portray the role of Barang for the past seven months.

“Maraming salamat pinagkatiwala niyo sa akin yung role na Barang. Pero aaminin ko nahirapan ako dito. Tiring and draining talaga si Barang. Kasi yung character na Barang, hindi siya thinking character eh. Instinctive si Barang. Kumu-connect siya automatically, naturally kumu-connect siya sa lahat ng tao so medyo napagod ako pero sobra sobra akong nagpapasalamat sa role na ito. Kaya Dreamscape and ABS-CBN maraming salamat dahil pinagkatiwalaan niyo ulit ako ng napaka-importanteng role,” she said.

READ: Sylvia Sanchez, thankful for her dream role in ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Meron siyang sariling mundo’


During Huwag Kang Mangamba’s finale mediacon, the veteran actress shared which scene was most unforgettable for her while doing the series.

“Ang dami daming eksena. Bawat eksena ni Barang, kahit wala siyang dialogue, wala siyang ginagawa, nandun lang siya sa background, hindi mo talaga makakalimutan kasi si Barang ibang klaseng character eh. Meron siyang sariling mundo. Pero madaming mga drama , ang daming iyakan, pero ang pinaka talagang tumatak sa akin na eksena is yung eksena ko with Diether (Ocampo), Andrea (Brillantes) dun sa labas ng bahay namin yung pinagsabihan ni Diether na si Samuel si Mira na tigilan na niya at layuan niya si Joy (played by Francine Diaz) tapos pinapapasok na niya sa kotse si Joy. Pinagsasabihan niya si Mira tapos dumating si Barang tapos pinagtanggol ni Barang si Mira kay Samuel. Gustong gusto ko kasi yung eksena na walang iyakan, napaka-simple, hindi drama talaga pero tagos sa puso. Walang iyakan, walang luhang tumulo pero tagos sa puso. Yun yung hindi ko makalimutan,” she explained.

READ: ‘Yes, I’m 50!’: Sylvia Sanchez marks ‘golden’ year

Having been in favor of the lock-in taping set up from the get go, Sylvia said she will miss all the people behind the show now that they have already wrapped up taping.

“Mami-miss ko lahat ng co-actors, directors, crew, staff, itong grupong ito. Kasi ang ganda ng samahan eh. One big happy family kami sa HKM. Kung may nagkakaproblema, advice-an, tulungan, hilahan. Walang nag-da-down sa isa’t isa. Tapos yung mga kakain kami magkakasama, pero siyempre ingat kami. Tapos kuwentuhan, tawanan, pinaguusapan yung mga problema. Naging isang malaking masayang pamilya kami. Umaga pa lang magkakasama na kami hanggang bago matulog ay ang kulitan sobra. kaya yung mga kasamahan ko talaga ma-mi-miss ko,” she said.

READ: Sylvia Sanchez looks back on surviving COVID-19: ‘May magandang kapalit yun’

The 50-year-old actress revealed her plans to take a hiatus from acting after doing multiple back-to-back projects for the past couple of years.

“Actually tapos na kami mag-taping ng Huwag Kang Mangamba so naka-off na si Barang sa akin. Nagpapahinga ako. Talagang sobrang pahinga ngayon kasi sabi ko nga grateful ako sa role na Barang pero talagang nakakapagod siya sobra. After nito sinasabi ko nga, pahinga muna ako. Kasi sa sobrang pagod ko, sa sobrang na-drain talaga ako emotionally and physically kay Barang.

“Sa susunod na teleseryeng i-o-offer sa akin, parang feeling ko wala na akong maibibigay pa na bago kasi drained ako dito sa Barang. Napagod ako ng sobra. Gusto ko magpahinga kahit six months to one year para ‘pag sa susunod na may mai-offer sa akin, may bago naman ako maipakita kasi nakapag-relax na ako. Kasi actually hindi pa ako nakakapagpahinga from The Greatest Love hanggang dun sa Hanggang Saan. Nag-two months ako dun kay Kathniel tapos Pamilya Ko. After nun, eto na. So hinga muna. Relax na muna ako. Maglagi na muna ako sa probinsya. Yun yung nasa utak ko ngayon. Rest muna. Para pagbalik ko may bago kayong makita at hindi talo yung producer na mag-aalok sa akin ng bagong role,” she said.