• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi na tuloy ang pagsasama nina Rhys Miguel at Kaori Oinuma sa inaabangang pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Jeremiah Lisbo, pinalitan si Rhys Miguel sa pelikula ni Cathy Garcia-Molina

Hindi na tuloy ang pagsasama nina Rhys Miguel at Kaori Oinuma sa inaabangang pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/26/2021 09:05 AM
Jeremiah Lisbo, pinalitan si Rhys Miguel sa pelikula ni Cathy Garcia-Molina
Photo credit to @jeremiahlisbo Instagram

Maraming tagahanga ng KaoRhys o fans ng love team nina Rhys Miguel at Kaori Oinuma ang nagulantang matapos kumpirmahin ng ABS-CBN Films na hindi na magsasama ang dalawa sa pelikulang sana’y pagbibidahan nila.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jeremiah (@jeremiahlisbo)


 

Sa pahayag na inilabas ng Star Cinema, kinumpirma ng film outlet na hindi na matutuloy ang pagsasama nina Kaori at Rhys sa Love At First Stream at nakahanap na ito ng papalit sa aktor. 

Ang napili nilang leading man na papalit kay Rhys at magiging ka-love team ni Kaori sa pelikula ay ang aktor na si Jeremiah Lisbo. 

"ABS-CBN Films officially announces that Jeremiah Lisbo has been cast in its upcoming offering with kumu, Love at First Stream, where he is starring opposite Kaori Oinuma,” saad ng ABS-CBN Films sa inilabas nitong pahayag. 

Dagdag pa nito: “Jeremiah has stepped in for Rhys Miguel, who was initially cast in the role but will no longer appear in the project due to personal matters.” 

Saad pa ng ABS-CBN Films: “We are excited to bring the story to life as we continue to deliver entertainment through various offerings to our audiences worldwide.” 

 

 

Lumabas na si Jeremiah sa iba’t-ibang pelikula ng ABS-CBN Films gaya ng Four Sisters Before The Wedding at Love or Money. Naging bahagi din siya ng show na He’s Into Her.

Samantala, kasama din sina Daniela Stranner at Anthony Jennings at ang tambalang Chico Alicaya at Amanda Zamora sa nasabing proyekto. 

READ: Jeremiah Lisbo plays ex-PBB housemate Ralph Malibunas for MMK

Matatandaang Hulyo nitong taon nang i-anunsyo ng Star Cinema ang pelikula kung saan si Cathy Garcia-Molina ang napiling direktor.