• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrew E, hindi nakapagpaalam kay Jeric Raval tungkol sa kissing scene niya kay AJ Raval.

Andrew E on kissing scene with AJ Raval: ‘Hindi ko naman alam na anak siya ni Jeric’

Andrew E, hindi nakapagpaalam kay Jeric Raval tungkol sa kissing scene niya kay AJ Raval.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/01/2021 07:01 PM
Andrew E on kissing scene with AJ Raval: ‘Hindi ko naman alam na anak siya ni Jeric’
Photo credit: @andrewe_dongalo IG

May kissing scene si Andrew E sa sexy at batang leading lady niya na si AJ Raval sa pelikula ng Viva Fims na Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan. Si AJ ay anak ng action star na si Jeric Raval na halos kapanabayan ni Andrew E na pumasok sa showbiz. 

Nagpaalam ba siya kay Jeric na magkakaroon sila ng kissing scene ni AJ? 

“Sabay kaming nag-artista o baka mas nauna siya o hindi 30 years ago. I just can’t remember and we landed on both sides or opposing camps—Viva ako and OctoArts siya, di ba? 


“Hindi ako nagkaroon ng chance na magkaroon ng camaraderie o ng friendship kasi nasa ibang mother unit or mother studio ako. And TV wise hindi rin naman siya (Jeric) nag-TV, I think. And ako, paminsan-minsan lang, movie ang mas marami. 

“But there was one day sa 30 years na yan, somehow 6 or 7 years ago nagkasama kami sa isang concert sa Jolo, Sulu. So doon ako nagkaroon ng chance na ma-meet siya,” kuwento ng master rapper at komedyante sa naging encounter nila ng ama ni AJ. 

READ: Andrew E, hindi inaasahan na papatok at maghi-hit sa new generation ang kanta niya

Patuloy na kuwento ni Andrew E, “He’s a good person and what I discovered was katulad ko rin siya na collector ng mga toy cars. So binigyan niya ako ng mga hints and mga advice kung ano yung mga toy cars na dapat kino-collect things like that. 

“But then again, sure ball ako na sa first time na na-meet ko siya nandoon pa rin yung pagiging action star niya and I really like it.  He lives to that genuine aura of an action star. And after that wala na, hindi na kami nagkita.” 

Kaya hindi raw talaga nagkaroon ng chance na magpasintabi sa ama ni AJ sa gagawin nilang kissing scene sa pelikula. 

Aniya, “So kung pasintabi ang tanong hindi ako nagkaroon ng chance, and the next thing I knew was meron na akong movie with AJ. So, you know, everything happened naturally and was never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ. 

“Ako naman hindi ko rin alam na there was Shoot! Shoot!, na magbabalik mula sa sa lungga 18 years ago at biglang maghi-hit.  So, I never knew about that, I didn’t see it coming,” paliwanag ng aktor. 

READ: Andrew E, aware at tanggap na kumupas na ang kanyang popularity

Nagbigay naman ng reaksyon si Andrew E sa patuloy na ikinakabit sa kanyang pangalan bilang “habulin ng babae” na karaniwang image niya sa mga ginawang hit songs at pelikula. 

Ganito rin ba siya sa totoong buhay? 

“Well, I don’t know. Kasi hindi ko naman nate-testing now,” agad niyang tugon.  “Well, noong binata ako nate-testing ko, but now hindi ko na nate-testing,” sabay tawa niya. 

“Maybe the main focal object of the way na nagiging malapit ako sa girls o mga babae would be—my way of being as a rapper. Kasi kung sa itsura lang, eh, mas habulin ako ng aso kaysa sa babae. 

“Pero kung sa pagiging rapper diyan ako lapitin kasi maybe  may 10 ang curious how I talk in front of the girl by means of being a rapper. So, doon sila nagiging curious,” paliwanag ni Andrew E. 

Bukod kay AJ ay kasama rin sa Shoot! Shoot! si Sunshine Guimary, Juliana Parizcova Segovia, at Wilbert Ross. Director naman ng pelikulang mapapanood sa October 8 sa Vivamax si Al Tantay.