• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrew E: ‘I always write something that would be so new and fresh again to the listeners.’

Andrew E, hindi inaasahan na papatok at maghi-hit sa new generation ang kanta niya

Andrew E: ‘I always write something that would be so new and fresh again to the listeners.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/25/2021 06:22 PM
Andrew E, hindi inaasahan na papatok at maghi-hit sa new generation ang kanta niya
Photo Credit: @andrewe_dongalo on Instagram

Hindi inaasahan ni Andrew E. na papatok at maghi-hit sa new generation ang kanta niyang “Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan” na ginawa niya 18 years ago. Meron na ito ngayong 40M collective views sa Tiktok at patuloy pa ring tumataas.

Ginawa na ring pelikula ng Viva ang naturang kanta na siyempre si Andrew E din ang bida at nakakatuwang malaman na ang trailer ng Shoot! Shoot! ay meron na rin halos 10M views.

Eighteen years ago, walang manghuhula na makakahula na maghi-hit yan sa TikTok, ’no? Ni sa isang iglap ng thinking ay hindi ko inisip na mamahalin ulit yan ng masa or mamahalin ulit ng mga music lovers,” overwhelmed na pahayag ng rapper-comedian sa PUSH at sa ibang entertainment press sa ginanap na virtual conference.


Imagine mo kung may social media na noon. Imagine-in mo lang kung ano kayang energy ang ibibigay ng madlang people, di ba? Eh, ngayon ang binibigay nilang energy for ‘Shoot! Shoot!’ is amazing. Nakakagimbal, di ba?” masaya ulit niyang pahayag.

READ:Andrew E umokey na ang sitwasyon pagkatapos ng isang health condition

Nung sinulat daw niya ang “Shoot! Shoot!” at ang iba pa niyang mga naging hit songs tulad ng “Humanap Ka Ng Panget”, “Alabang Girls”, at iba pa,  ay hindi niya iniisip na sisikat talaga ang mga ito. Masuwerte na lang daw at na karamihan sa sinulat niya ay sumikat.

Honestly, there’s no pressure for me writing for anything or writing songs for some particular something—wala. Hindi po ako ganu’n,” deklara niya. “Maybe ang tamang adjective for me would be yung tipong I always write something that would be so new and fresh again to the listeners.

Yon palagi ang palatuntunan po ng isang Andrew. Kunwari, gagawa ako ng kanta, kailangan something new again, something ahead again. And how can we doubt? ‘Shoot! Shoot!’ was written 18 years ago. So, gaano ka-ahead yon? Sobra naman yon, ’di ba?

But then again, siyempre, ang plataporma ko is writing songs or maybe writing elements to the songs in as much as very imaginative in the future na tipong maaaring ahead, or maybe advance, or trend-setting – maybe,” paliwanag ng actor-rapper.

READ: Andrew E, aware at tanggap na kumupas na ang kanyang popularity

Hirit pa niya, “Hindi ako singer, hindi ako manganganta, pero doon ko mapupunuan sa placing na yon – na hindi nga siya singer, but look, yung mga kanta naman niya is something new to our ears, something new to our imagination. Doon bumabawi ang isang Andrew E.”

Samantala, ang sexy stars na sina  AJ Raval at Sunshine Guimary ang kapareha ni Andrew E sa Shoot! Shoot! na mapapanood simula October 8 sa Vivamax at iba pang streaming platforms. The movie is directed by Al Tantay.