• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Crisha Uy, siya rin mismo ang nag-kumpirma ng kaniyang mga hinala noon sa relasyon nila ng ex na si Joem Bascon.

‘Nagsinungaling talaga siya noon’: Crisha Uy, naglabas ng saloobin kay Joem Bascon

Ayon kay Crisha Uy, siya rin mismo ang nag-kumpirma ng kaniyang mga hinala noon sa relasyon nila ng ex na si Joem Bascon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/19/2021 09:07 AM
‘Nagsinungaling talaga siya noon’: Crisha Uy, naglabas ng saloobin kay Joem Bascon
Screenshot from Crisha Uy YouTube Channel

Kasunod ng pagdating ng baby nina Joem Bascon at Meryll Soriano, naglabas na ng kaniyang saloobin si Crisha Uy.

RELATED ARTICLE: Meryll Soriano at Joem Bascon, ipinakilala ang kanilang anak


Si Crisha ang karelasyon ni Joem sa loob ng walong taon bago ang napaulat na hiwalayan noong 2019.

Sa pamamagitan ng isang vlog upload nitong January 18, naglabas ng kaniyang saloobin si Crisha sa naging pagbabalikan ni Meryll at ng kaniyang ex-boyfriend.

"Alam ko na 'yung totoo. Alam ko na ‘yung relationship nila, their bundle of blessing long way before pa nung na-upload ‘yan,” sambit ni Crisha sa vlog.

Ayon pa sa ex ni Joem, alam niya na ang lahat bago pa man pumutok ang balita sa naging pagbabalikan ni Meryll at Joem sa tulong na rin ng kanilang mga mutual friends.

Dito, hindi itinanggi ni Crisha na sa paglabas ng mga ulat sa social media, nakaramdam siya ng galit sa tila naging panloloko sa kaniya ni Joem.

“Nagalit ako kasi bumalik ‘yung feelings ko na I was betrayed all over again,” ani Crisha.

“Iba pala ‘yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sa ’yo. Parang feeling ko kasi kailangan kong ilabas ‘yung naramdaman ko that day ‘yung galit ko, ‘yung sakit na ‘yun, kung ano mang naramdaman ko that day,” ani pa niya.

Nagbalik man ang mga sakit at galit, nilinaw ni Crisha na unti unti na siyang naka-move on kay Joem.

“But hindi dahil mahal ko pa siya kung hindi, you know, kasi naka-move on na ako ‘eh. Ano lang finally, finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to,” paliwanag pa niya.

Binalikan rin ni Crisha ang tila naging pagsasawalang bahala niya noon sa kaniyang mga hinala na siya rin aniya mismo ang nakapag igay ng kasagutan.

"Kasi I gave them the benefit of the doubt eh before. Pero ‘yun na nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko ‘yun. Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon. Na finally girl—confirmed!”

Sa bahagi rin ng nasabing vlog, nagpasalamat rin si Crisha sa tila tadhanang hindi natuloy ang mga plano nila ni Joem kabilang na ang pagpapakasal.

"We were planning to get married saka na kami mag-family. Pero 'yun nga, I thank God na hindi natuloy 'yon kasi we are not really meant to be and God is good," sabi pa niya.

Sa huling bahagi rin ng kaniyang vlog, ibinahagi rin niya ang ilan sa mga natutunan niya sa walong taon na relasyon kay Joem at sa naging pinagdaanan.
 
"I hope na tulungan niyo ako to close this chapter in my life. I guess the greatest takeaway sa lahat ng ito, including the recent, ang importance ng honesty. Dapat honesty shouldn't only be sa ligawan stage, during the relationship or in love kayo sa isa't isa. Dapat honest din kayo kahit sa failure sa relationship. I mean kahit sa breakup stage, kahit masakit. Kasi if may honesty, may maiiwan na respeto sa isa't isa. Kaya ngayon ready na ako, open na ako, at ready na ako sa mga darating. I'm now wiser, clever," pahayag pa niya.