• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong taon, bagong simula ang haharapin nina Meryll Soriano at Joem Bascon sa kanilang pagbuo ng pamilya.

Meryll Soriano at Joem Bascon, ipinakilala ang kanilang anak

Bagong taon, bagong simula ang haharapin nina Meryll Soriano at Joem Bascon sa kanilang pagbuo ng pamilya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/02/2021 08:33 AM
Meryll Soriano at Joem Bascon, ipinakilala ang kanilang anak
Photo credit: @planetumeboshi Instagram

Sa pagsalubong sa taong 2021, ginulat ng aktres na si Meryll Soriano ang social media sa pagpapakilala sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa Instagram, makikita ang kargang bata ng aktres na hinahalikan ng aktor na si Joem Bascon na may caption na “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love,” ani Meryll sa post.

Patuloy pa niya: “New year, new hopes, new positive outcomes,” sambit pa ng aktres kasunod ang pagbating, “Happy New Year from our family to yours!


Sa nasabing post, tila kompirmasyon na ito sa paglalahad ni Meryll at Joem ng kanilang tila naudlot na relasyon at pagsisimula nang kanilang pamilya.

Matatandaan na taong 2009 nang nag kasama si Meryll at Joem sa Kapamilya hit series na I Love Betty La Fea kung saan nagsimula ang pagtitinginan ng dalawa.

Taong 2010 nang napaulat ang paghihiwalay ng dalawa na nanatiling magkaibigan.

LOOK: Joem Bascon celebrates New Year’s Eve with Meryll Soriano

Simula noon, naging tahimik at pribado na sa buhay pag-ibig ni Meryll habang si Joem naman ay naging karelasyon ang vlogger na si Crisha Uy.

Enero nang 2020, inihayag ng ex-girlfriend na ngayon ng aktor ang kanilang paghihiwalay sa hindi na idinetalye pang dahilan.

Samantala taong 2019 nang magkasama sina Joem at Meryll sa pelikulang Culion kung saan umugong ang tila pagmamabutihan muli nang dalawa.