Mahal, pinasok na ang pagiging vlogger

Isa na ring ganap na vlogger si Mahal.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/28/2020 03:40 PM
Mahal, pinasok na ang pagiging vlogger
Screenshot from MAHAL YouTube Channel

Pinasok na rin ng dating aktres at komedyante na si Noemi Tesorero o mas kilala bilang Mahal ang mundo ng vlogging. 

LOOK: Sayaw ni Mahal sa Tiktok video nag-viral sa social media

Sa kanyang pinakabagong video na inupload sa YouTube, ipinakita ng apatnapu’t-limang taong gulang na komedyante ang madalas niyang ginagawa sa mga ordinaryong araw sa pamamagitan ng isang “A Day in the Life” vlog. 


Kasama ni Mahal sa nasabing video ang modelo at indie actor na si Mygz Molino sa nasabing vlog. 

Unang sumabak si Mahal sa pagba-vlog nitong Hulyo.  

Ilan sa mga nagawa ng vlogs ni Mahal ang Chubby Bunny Challenge, Skincare Routine, at Mukbang Challenge. 

Panoorin ang ilan dito: 

Bagama’t hindi malinaw ang relasyon nina Mahal at Mygz, kilala ito sa pagkakaroon ng relasyon sa mga mas nakababata sa kanya. 

Ilan sa mga kilalang nakarelasyon nito ay sina Jimboy Salazar at Aries Navarro. 

Taong 2015 naman nang kinasal si Mahal kay Jobbie Hebrio. Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

Naging bali-balita din na nagkaroon sila ng relasyon ni Sam Jacinto ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napapatotohanan. 

Kilala si Mahal sa pagganap niya sa pelikula at telebisyon sa mga proyekto gaya ng Kokey at Mr. Suave.