LOOK: Sayaw ni Mahal sa Tiktok video nag-viral sa social media

Panoorin ang pampa-good vibes video ni Mahal.

LOOK: Sayaw ni Mahal sa Tiktok video nag-viral sa social media-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

Twitter: @@Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/14/2020 01:07 PM
LOOK: Sayaw ni Mahal sa Tiktok video nag-viral sa social media

Klik na klik sa netizens ang Tiktok entry ni Mahal na mapapanood sa Facebook na may Tiktok ID Mahal.

As of this writing ay umabot na sa halos kalahating milyon ang views ng Tiktok ni Mahal habang sumasayaw siya sa tugtog ng sikat na kantang “Careless Whisper” popularized by the ‘80s pop duo Wham.

Sa Tiktok video ay mistulang nang-aakit si Mahal sa kanyang pagsasayaw. Nakakaaliw itong panoorin at pampa-good vibes ang dating lalo sa mga taong inip na inip na sa bahay dahil sa lockdown at Enhanced Community Quarantine due to COVID-19 pandemic.


Sinubukan ng PUSH na kunin ang reaksyon ni Mahal sa pagba-viral ng kanyang video pero hindi ito nag-reply sa amin.

Noemi Tesorero ang real name ng comedy actress, pero mas kilala siya sa showbiz bilang si Mahal.

Huli namin siyang nakausap bago ganapin ang civil wedding nila nong non-showbiz boyfriend na si Jobbie Hebrio na ginanap noong November 2, 2015