Cindy Miranda, Arjo Atayde, gaganap bilang kontrabida sa Pendro Penduko movie remake | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cindy Miranda, Arjo Atayde, gaganap bilang kontrabida sa Pendro Penduko movie remake

Cindy Miranda, Arjo Atayde, gaganap bilang kontrabida sa Pendro Penduko movie remake

Edo Daria

Clipboard

Excited na ang Viva artist na si Cindy Miranda sa mga aabangang na proyektong kinabibilangan niya ngayong 2020. Matapos ang sexy lesbian film na Adan, kasalukuyang nasa training si Cindy para sa movie remake ng Filipino folk hero na Pedro Penduko.

Sa kaniyang interview matapos ang story conference para sa bagong film project, sinabi ni Cindy na tuluy-tuloy ang kaniyang training kasama ang bidang gaganap na si Matteo Guidicelli.

"Ako po yung kontrabida, with Kuya Arjo (Atayde)," pagbabahagi ni Cindy sa press.

Bukod sa Pedro Penduko, kasama rin si Cindy sa isa pang proyekto sa ilalim ng Viva Films, ang Pinoy remake ng Korean movie na Spellbound na pagbibidahan ni Marco Gumabao at Bela Padilla.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Cindy, gusto niyang mas maging active sa social media para ma-update ang mga fans sa mga proyektong ginagawa at aabangan sa kaniya ngayon.

"I think yun ang kailangan kong baguhin kasi kailangan kong mag-update e. Sometimes they don't know na I'm doing this pala, ‘yung Spellbound, I never posted about it. And even yung mga guestings ako, kunyare It's Showtime, hindi ko na napopost," pahayag ni Cindy.

A post shared by Cindy Miranda (@cindy) on

Bibida rin ang aktres sa isang historical fiction movie na Muelle De Binondo. Sa ilalim ng produksyon ng Neo Blu-Media, ito ang unang pagkakataong makakatambal niya si Enchong Dee.

Bago pasukin ang showbiz, kilala bilang beauty queen si Cindy sa titulong Binibining Pilipinas Tourism 2013. Isa rin siya sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited edition noong 2011.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.