• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee, Cindy Miranda, bibida para sa historical fiction movie na ‘Muelle De Binondo’

Enchong Dee, Cindy Miranda, bibida para sa historical fiction movie na ‘Muelle De Binondo’

Makakasama rin nina Enchong Dee at Cindy Miranda ang ilang kilalang aktor tulad nina JC De Vera, Mon Confiado, Arnold Reyes, Janus Del Prado, at iba pa.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

2/29/2020 1:09 PM
Enchong Dee, Cindy Miranda, bibida para sa historical fiction movie na ‘Muelle De Binondo’


Photo credit: @cindy and @mr_enchongdee IG

Dumalo ng story conference nitong Sabado, February 29, ang Kapamilya actor na si Enchong Dee at ang bago niyang makakatambal na si Cindy Miranda sa bagong pelikula na "Muelle De Binondo." 

Sa ilalim ng produkyon ng Neo Blu Media, isang historical fiction movie ang pagbibidahan ng dalawa, kasama ang ilan sa mga kilalang aktor at aktres na sina JC De Vera, Mon Confiado, Arnold Reyes, Janus Del Prado, Janice Hung at iba pa.

Para kay Enchong matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong gumawa ng pelikulang may tema tungkol sa kasaysayan. "Ang tagal niya no? Pero worth it ang paghihintay, parang after 15 years ko sa industriya saka ko pa lang talaga siya [magagawa].

"Nung dumating sa akin itong inquiry na ito, sabi ko sa handler ko, yes kaagad. Kasi nga ang tagal ko nang naghihintay ng period film, hindi pa ako nakakagawa e. So first ko talaga," kuwento ng aktor na nakatakdang mag-aral ng Fukien language para sa pelikula.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakapareha ni Enchong ang Adan actress na si Cindy na parehong excited na sa paggawa ng period fiction film.

"Very fan ako ng mga [historical films]. I'm really Tagalog, makabansa talaga ako. So very excited ako kasi ang dami kong nalalaman about history, about Chinese," pahayag ni Cindy sa press matapos ang story con.

 

 

Iikot ang kuwento ng "Muelle De Binondo" sa love story ng dalawang karakter sa kasagsagan ng rebolusyon noong panahon ng mga Kastila.

EXCLUSIVE: Beauty queen Cindy Miranda, pangarap magkaroon ng best actress award

Sa panulat at direksyon ni Roman Perez; ang parehong direktor ng Adan, magsisimulang mag-shoot ang pelikula ngayong Marso. Sa ngayon wala pang petsa kung kailan ito ipapalabas.