JC Regino, binalikan ang huling pag-uusap nila ng amang si April Boy Regino | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
JC Regino, binalikan ang huling pag-uusap nila ng amang si April Boy Regino

Kiko Escuadro
Published Dec 03, 2020 11:16 PM PHT

Pigil man ang mga luha, binalikan ni John Christian Regino, isa sa mga anak ng namayapang singer na si April Boy Regino, ang ilan sa mga huling pag-uusap nila ng ama.

Pumanaw si April Boy nitong Nobyembre 29 sa edad na 59 dahil sa stage 5 chronic kidney disease.

Sa panayam ng PUSH at Cinema News sa mismong lamay ng OPM singer sa Marikina City, nagkuwento si JC ng ilan sa mga habilin sa kaniya ng ama.

“Ang lagi niya lang bilin sa akin, kailangan may takot ka sa Diyos, maging mabuti kang tao. At ‘yung passion daw po sa pagkanta, kasi umuwi na po ako ng America mga three years po ako doon. Sabi niya bumalik daw po ako dito, ipagpatuloy ko daw po ang pagkanta,” kuwento ni JC sa interview.

ADVERTISEMENT
Patuloy pa niya, ito marahil ang isa sa nga gusto ng kaniyang ama na maipagpatuloy ng mga anak niya, ang kaniyang passion sa OPM.

“Sabi niya kasi ‘alam mo naman na diyan lang tayo magiging masaya, sa pagkanta, hindi sa ibang bagay’, pinipilit niya po sa akin. Kasi po noong una, hindi ko po alam na ganun na ang nga mangayayari. Tapos nung huli naming usap bago pa siya manghina, sabi ko ‘sige po.’ Tapos‘yun nga po, gumagawa po kami ng bagong kanta tapos natapos namin, pero hindi namin na record.”

Sa kabila ng maraming pinagdananan ng kaniyang ama, para kay JC, hinding hindi niya ito malilimutan lalo pa at wala itong ibang inisip kundi ang kanilang kapakanan.

“Si Daddy po ay siya po ‘yung pinaka the best na daddy sa lahat kasi wala siyang ginawa, kundi para sa amin. Para sa amin ng nanay ko, para sa amin ng kapatid ko. Wala siyang ibang naging pamilya, wala siyang ibang anak, lahat ng ginagawa niya lagi niyang sinasabi, kaya ko ito ginagawa para sa inyo. Kaya po, gusto ko pa sanang suklian siya, minahal ko po siya ng sobra napakita ko po, kaso parang kulang kahit anong gawin ko, sa sobrang dami ng binigay niya sa akin,” sabi pa ng anak ng OPM singer.

Sa pagpanaw ng kaniyang ama, hindi rin lubos akalain ng kanilang pamilya na buhos pa rin ang pagmamahal ng mga tao kahit na madalang na itong makita at tumigil na sa pag-peperform.

“Alam niyo po sa totoo lang, down na down po kami ngayong nawala siya. Nakita ko po ‘yung mga tao na naaalala pa rin po siya. Lahat lahat, sa TV, sa radyo, sa mga diyaryo, mga fans niya, sa mga tao. Nakita ko na sobrang hindi siya nakalimutan. Sobrang masaya po ako kasi lagi niyang sinasabi ‘baka nakalimutan na ako ng tao.’ ‘Yun pala tinatangkilik pa rin po pala ang mga kanta niya,” pahayag pa ni JC.

Si April Boy ang nagpasikat ng mga timeless na OPM hits tulad ng “Umiiyak Ang Puso”, “Sana’y Laging Magkapiling”, “Esperanza”, at Ang “Di Ko Kayang Tanggapin.”

Sa darating Linggo, December 6, ihahatid sa kanyang huling hantungan ang mga labi ni April Boy sa isang private cemetery sa Antipolo, Rizal.