• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakilala din si April Boy Regino sa koleksyon ng kaniyang cap.

‘Di Ko Kayang Tanggapin’: April Boy Regino, pumanaw na

Nakilala din si April Boy Regino sa koleksyon ng kaniyang cap.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/29/2020 09:33 AM
‘Di Ko Kayang Tanggapin’: April Boy Regino, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 59 anyos ang tinaguriang “Idolo ng Bayan” na si April Boy Regino.

Sa Facebook post ng nakababatang kapatid ng singer na si Vingo Regino nitong Linggo, November 29, kinompirma nito ang malungkot na balita tungkol sa kaniyang kapatid.

 


 

Nakakalungkot ang araw na ito, wala na ang kuya April Boy ko,” sabi pa sa post ng nakababatang kapatid ng singer.

Si April Boy ang nagpasikat ng mga kurot sa puso at timeless na OPM hits tulad ng “Umiiyak Ang Puso”, “Sana’y Laging Magkapiling”, “Esperanza”, at ang “Di Ko Kayang Tanggapin”.

Taong 2009 nang na diagnose si April Boy ng Prostate Cancer at napaulat ang kaniyang pag-recover sa pamamagitan ng natural method.

Noong Abril ng nakaraang taon ay nakausap pa ng PUSH ang singer tungkol sa kanyang kalusugan matapos niyang labanan ang prostate cancer.

WATCH: April Boy Regino shares updates about his health condition | Push Now Na

Sa ngayon, wala pang detalye kaugnay sa burol ng singer.