Nonie Buencamino to parents: ‘Look more deeply into the activities of your children’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nonie Buencamino to parents: ‘Look more deeply into the activities of your children’

Nonie Buencamino to parents: ‘Look more deeply into the activities of your children’

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

Sa panayam niya sa King of Talk sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni veteran at versatile actor Nonie Buencamino kung ano ang ibig sabihin ng pahayag niya sa Philippine Daily Inquirer na, “I’m not afraid of death anymore.”

Paliwanag niya, may kinalaman ito sa maagang pagpanaw ng anak niyang si Julia. “It’s closer to I’m not afraid to die. It has something to do with my daughter passing away which is so unexpected. It made me realize that pwedeng mangyari anytime,” ani Nonie.

Dagdag pa ni Nonie, “yung pag-asikaso ko sa kanya sa pagkamatay… nakita ko siyang patay dun sa harap ko. And then it makes me realize it happens to everybody and it’s bound to happen and it happened so early with her and it can happen to me tomorrow…”

Sa tanong kung ano ang mensahe niya para sa mga magulang na pwedeng maka-relate sa pinagdaanan niyang pagsubok, sinimulan ni Nonie sa pagku-kwento sa karanasan niya sa anak na si Julia. “Marami siyang itinago sa amin. Marami siyang front. I would like to think she’s a good actress. And she was able to hide it. Pero ang dami niyang itinago sa diaries niya, sa art work niya, sa kanyang poetry. Dun lang namin nakilala kung ano yung pinagdadaanan niya. So she was going through a deep form of depression and she was hurting herself from the time she was 12 until she was 15,” kwento ni Nonie.

ADVERTISEMENT

Napansin naman daw ni Nonie noon ang ilang “scratches or scar” sa hita ni Julia, pero nang tanungin niya ito kung sinasaktan nito ang kanyang sarili, ang sabi lang ni Julia ay, “No, it’s just from playing.”

Ayon pa kay Nonie, inakala nilang normal lang ang mga pinagdadaanan ni Julia. “Yung mga bagay na hindi magandang nangyayari sa kanya. Parang akala namin normal lang. Nakipag-away sa classmate niya… yun pala malalim pala. Meron pala siyang form of illness and that makes it worse. Kasi yung perception nag-iiba dahil sa merong chemical imbalance.”

Kaya payo ni Nonie sa mga magulang, “Look more deeply into the activities of your children and what they’re doing and what they’re going through.”

Naglunsad din si Nonie at ang kanyang asawang si Shamaine ng Julia Buencamino Project, isang community at advocacy na sinusulong na “makatulong sa iba na ilabas at hindi ikahiya” ang pinagdadaanan nila lalo na ang mga kabataan katulad ni Julia. Layunin din ng proyekto na mawala ang stigma sa mga taong may mental health issues.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.