• Home
  • Fresh Scoops
  • Shamaine Buencamino advises public to watch out for suicide warning signs

Shamaine Buencamino advises public to watch out for suicide warning signs

Shamaine Buencamino shares what she learned in the aftermath of daughter’s suicide

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/18/2016 11:19 AM
Shamaine Buencamino advises public to watch out for suicide warning signs


111816-ShamaineBuencamin1.jpgSa ulat ni TJ Manotoc para sa TV Patrol, nagbahagi ang aktres na si Shamaine Buencamino ang natutunan niya nang mawalan siya ng anak na si Julia sa pamamagitan ng suicide. July 7, 2015 nang bawian ng buhay si Julia.

Kwento niya, “nung tinawag ng asawa ko ang pansin ko sa mga parang cuts sa kanyang legs, tinanong ko si Julia, ‘ano ba yan bakit may mga sugat ka diyan sa legs,’ sabi niya aksidente lang sa eskwelahan.”

Natutunan daw ni Shamaine kung gaano kaimportante ang warning signs. “Yung mga cuts, mga sugat na hindi maipaliwanag kahit sinasabi ng bata na aksidente lang, nahulog lang ako. Kailangan mo na talaga silang bantayan.”

Ayon pa sa report, may 800,000 tao daw ang nagsu-suicide taun-taon at 20 million naman ang nagtatangkang magpakamatay. Batay ito sa talaan ng World Health Organization.