Vilma Santos, may mga kundisyon para mapa-oo sa reunion movie nila ni Chistopher De Leon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vilma Santos, may mga kundisyon para mapa-oo sa reunion movie nila ni Chistopher De Leon

Vilma Santos, may mga kundisyon para mapa-oo sa reunion movie nila ni Chistopher De Leon

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

"It's good to be back." 



Ramdam na ramdam ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang pananabik sa kaniyang muling pagbabalik-pelikula kasama ang kapwa beteranong aktor na si Christopher De Leon. 

Magtatambal si Vilma at Christopher pelikulang When I Met You in Tokyo na isang drama-love story na sasalamin sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers sa Japan.

Sa naganap na media conference ng upcoming movie, bakas ang pananabik ni Vilma sa gagawing proyekto na kukunan sa Japan.

ADVERTISEMENT

"After six or seven years, my last movie was Everything About Her and when this movie was offered to me, ang tinanong ko lang is kung ano ang synopsis. It's a love story and then sinabi ko lang sino kasama ang sinabi is Christopher De Leon sabi ko lang agad YES!" sambit ng veteran actress. 

Aniya, maliban sa pananabik sa gagawing project, isa rin sa exciting para kay Ate Vi ay ang magandang kuwento ng pagsasamahan nilang proyekto ng veteran actor.

"Kasi na-miss ko ang team up namin ni YetBo (Christopher De Leon), matagal na rin. Fifteen years. Ang last movie pa namin is Dekada ‘70 and Mano Po, so alam ko kahit papaano, andyan pa rin ang crowd namin ni YetBo. And ang ganda kasi ng storya kasi tatakbo rin sa edad namin but it's a love story na nasa edad namin. Hindi kami magbabata-bataan dito and at the same time what's important is istorya ‘to ng mga OFWs na nasa Japan," ani Vilma.

Sa kaniyang pagbabalik-pelikula, aminado ang veteran actress na hindi madali sa kaniya ang muling bumalik sa pag-arte sa harapan ng kamera. Kaya kahit na beteranang aktres, isa rin sa naging kondisyon niya na makasama ang kaibigang aktor sa proyekto na siya rin gagabay sa kaniyang pagbabalik-eksena

"Kasi in the first place, medyo matagal akong nawala sa industry. Siyempre let's face it, nakakapanibago. But when this was offered to me and nalaman ko na it's very simple love story pero napaka-lalim. And again I reiterate the fact na it's going to be with Christopher De Leon so malaking malaking plus factor sa akin 'yun," aniya pa. 

Tulad ng pananabik ni Ate Vi, all set na rin ang veteran actor na si Christopher De Leon sa kaniyang magiging role sa upcoming project.

"We’re like very careful and then we'll make sure that this will work well. Kaya nga nasabi nga ni Vilma that I will be the associate director so I said yes right away because she's the one who told me," aniya.

Bukod sa pagiging aktor, tatayo rin bilang associate director si Boyet na isa sa mga espesyal na request ni Vilma sa kanya.

"The thing is, I directed her one time sa telemovie special the title is 'Bugso' and then at the same time, it's not that I will direct her. I will be the associate director," ani Boyet. 

Patuloy niyang kuwento, dahil kabisado na nila ng Star for All Seasons ang isa't isa, naniniwala siyang magiging madali rin ang pagkuha nila ng eksena para mas kalong mapaganda pa ang kaniyang proyekto.

"I will be overseeing every scene. So every scene, I have to check and every scene we will do we'll talk about it na kaming dalawa and how we will do about it. Kasi nanggaling kami kay Ishmael Bernal, kay Eddie Garcia, Laurice Guillien, Malou Diaz Abaya, Lino Brocka. You know that na alam na namin how to do a scene together and then medyo, our directors are bago and all that so we should be the one who're talking about the scene and we will present it to the director and if the director says yes, we’ll take it," paliwanag ni Boyet. 

Sa ngayon, nasa Tokyo, Japan sina Vilma at Boyet para simulan ang shooting ng kanilang proyekto na target ipalabas bago magtapos ang 2023.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.