Xander Arizala, inaming ‘biggest regret’ ang pagpapalit image bilang Xander Ford: ‘Immature, walang respeto’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xander Arizala, inaming ‘biggest regret’ ang pagpapalit image bilang Xander Ford: ‘Immature, walang respeto’

Xander Arizala, inaming ‘biggest regret’ ang pagpapalit image bilang Xander Ford: ‘Immature, walang respeto’

Push Team

Clipboard

Inamin ni Xander Arizala na pinagsisisihan niya na minsan siyang naging si Xander Ford. At kung mabibigyan ng pagkakataon, isa ito sa mga bagay na gusto niyang burahin sa kanyang buhay. 



Matatandaang unang nakilala si Xander Arizala ng publiko bilang Marlou Arizala hanggang sa nagpalit ito ng screen name at naging si Xander Ford. Ngayon naman, iponakikilala niya na ang kanyang sarili bilang si Xander Arizala. 

Naging bukas ang personalidad na si Xander Arizala tungkol sa kanyang personal na buhay sa Part 1 ng PUSH Bets interview nito kasama ang kanyang partner na si Gena Mago. 

Sa nasabing panayam, tinanong tungkol sa maraming bagay tungkol sa kanyang buhay kabilang na ang kanyang opinyon tungkol sa posibilidad na malaman ng kanyang anak ang tungkol sa mga kontrobersiyang kinaharap niya noon sa buhay. 

ADVERTISEMENT

Ani Xander, hindi niya ito ikinakatakot dahil alam niyang magagamit niyo upang gabayan ang kanyang anak sa tamang direksyon. 

“Actually, hindi ako natatakot na makita niya ‘yun. Bagkos, mas gusto ko pang malaman niya ‘yun. Kasi kung malalaman niya ‘yun, makikita niya dun palang sa nangyari sa akin na hindi lahat ng tao pumapabor sa sitwasyon namin. At maiitindihan niya at mauunawan niya — kahit anong mangyari sa kanya — lalaban at lalaban siya. Kasi nga lumaban ako para sa pamilya ko eh, ‘di ba? What more pa kaya siya?” saad ni Xander. 

Ani pa ni Xander, naniniwala siyang kaya niyang maipaliwanag sa kanyang anak ang lahat lalo pa ngayon na nahanap na umano niya ang tamang landas. 

“Ipapaliwanag ko sa kanya na maging masama man ‘yan o mabuti, lagi mong dadalhin si Lord sa puso mo. Kasi noon kasi hindi ko nagawa ‘yan sa sarili ko eh. Nakalimutan ko si Lord God eh. Kumbaga kinain ako ng mundo, ng panahon. Kumbaga, nakisabay ako sa uso eh. ‘Yun ang mga gusto kong makita niya na huwag niyang gagawin,” aniya. 

Wala na rin umano siyang panahon na bigyan pa ng pansin ang komento ng ibang tao dahil pamilya niya ang pokus niya ngayon sa buhay. 

“Kung titingnan ko pa po ‘yung sasabihin ng ibang tao at iintindihin ko pa po ‘yung sasabihin nila sa akin, paano na lang po ‘yung feeling ng family ko? Nagfofocus po ako sa parents ko, sa wife ko, sa anak ko. Kasi kung iiisipin ko pa ‘yung sasabihin ng ibang tao, mawawala ako sa focus eh. So dun po ako nagfo-focus sa family ko,” ani Xander. 

Inamin naman ni Xander na marami siyang natatanggap na panghuhusga mula sa ibang tao. 

“Mahirap magbago kasi ‘yung judgment nila, kahit konting kembot mo lang jina-judge nila. Sa paghawak palang sa baby namin, sa pag-aalaga palang sa baby namin, inaano nila kami. Pero apra sa amin, maganda ‘yun kasi kino-correct kami sa mali namin. Pero mahirap talagang baguhin as in kasi hindi pa kami sanay sa ganung sitwasyon,” ani Xander. 

Nang tanungin kung ano ang biggest regret niya sa buhay, pag-amin ni Xander ito umano ang pagpapalit niya ng imahe bilang Xander Arizala. 

“Siguro ‘yung biggest regret ko, ‘yung sumikat ako as Xander Ford. ‘Yun ‘yung gusto kong balikan. Tapos gusto kong gawin, tanggalin lahat ng mga dapat di ko ginagawa — immature, walang respeto. Kasi siyempre hindi ako marunong magsalita ng ‘po’ at ‘opo’ dati. And then ‘yung pagiging pasaway, tapos ‘yung pagiging magastos. Napakagastos ako nun. As in maluho ako dati sa sarili ko. ‘Yun ‘yung mga gusto kong iwanan noon na pinagsisihan ko,” ani Xander. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.