Ronaldo Valdez, pumanaw na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ronaldo Valdez, pumanaw na

Ronaldo Valdez, pumanaw na

Lance Paolo Lim

Clipboard

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez o Ronald James Dulaca Gibbs sa totoong buhay.

Ito ang kinumpirma ng mga awtoridad base sa ulat na inilabas ng ABS-CBN News.

Gayunpaman, walang ibinigay na detalye tungkol sa dahilan ng pagpanaw nito. 

Si Ronaldo Valdez ang ama ng singer at aktor na si Janno Gibbs. 

ADVERTISEMENT

Mas kilala bilang Tito Ron ang beteranong aktor sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Ilan sa mga nagawang serye ni Ronaldo sa ABS-CBN ang Kung Tayo’y Magkakalayo, Minsan Lang Kita Iibigin, 100 Days To Heaven, Ina Kapatid, Anak, Ikaw Lamang, Magpahanggang Wakas, at Los Bastardos

Ilan naman sa hindi niya malilimutang karakter sa pelikula na ginawa niya sa ilalim ng Star Cinema ang Cedie, The Mistress, at Seven Sundays. 

Huling napanood si Tito Ron sa seryeng 2 Good 2 Be True na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Tumatak naman sa mga manonood ang kanyang karakter na Lolo Sir na nagbigay daan din upang mas kilala siya ng mga kabataan ngayon. 

Sinuportahan pa ni Tito Ron si Kathryn sa premiere ng pelikula nito na A Very Good Girl kasama si Dolly de Leon. 

Dumalo siya sa nasabing event gamit ang kanyang mobility scooter ngunit wala itong nabanggit tungkol sa kondisyon ng kanyang kalusugan, 



Nitong Nobyembre lamang, inanunsyo ni Janno sa mismong kaarawan ng kanyang ama na lalabas na ngayong Enero ang isang pelikula kung saan makakasama niya ang kanyang ama. 

Si Janno mismo ang nag-direk sa pelikula.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.