Luis Manzano, umapela sa NBI na imbestigahan ang isang fuel company; mahigit ₱66 milyon na investment, hindi ibinalik | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Luis Manzano, umapela sa NBI na imbestigahan ang isang fuel company; mahigit ₱66 milyon na investment, hindi ibinalik

Luis Manzano, umapela sa NBI na imbestigahan ang isang fuel company; mahigit ₱66 milyon na investment, hindi ibinalik

Lance Paolo Lim

Clipboard

Umapela ang actor at TV host na si Luis Manzano sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation matapos umanong lumapit sa kanya ang ilan sa mga investors ng nasabing kumpanya upang humingi ng tulong dahil sa mga perang nawala sa kanila. 

Aabot sa mahigit 66 million pesos ang dapat bayaran ng nasabing fuel company kay Luis, ayon sa isang press statement na pinadala ng kanyang kampo sa PUSH. 

Maraming tao na rin ang nagreklamo kay Luis dahil sa kaugnayan umano niya sa nasabing investment scam. 

Noon ika-8 ng Nobyembre taong 2022, nagpadala ng liham si Luis kay NBI Director Atty. Medardo De Lemos sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Regidor Caringal. 

Dito, nilinaw ng kampo ni Luis na binitawan ng Kapamilya TV host ang kanyang mga katungkulan sa nasabing kumpanya kabilang na ang pagiging chairman of the board ng ICM group na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Ildefonso "Bong" Medel, kung saan kabilang na ang Flex Fuel Petroleum Corporation.

ADVERTISEMENT

Sa isang an affidavit na inilabas noong ika-21 ng Disyembre taong 2022, ipinaliwanag ni Luis na ginawa siyang chairman ng board sa kumpanya ni Bong dahil isa umano ito sa mga “guaranties” ng kanyang investment. 

“Various individuals claiming to be investors/co-owners of Flex Fuel have been reaching out to our client for assistance,” saad ni Caringal sa nasabing pahayag. 

Humingi umano ang TV host ng tulong sa NBI na imbestigahan ang nasabing kumpanya dahil hindi umano naayos ni Bong Medel ang isyu ng kanilang mga investors. 

Nilinaw naman ni Luis na hindi siya kailanman naging parte sa pagpapatakbo ng nasabing kumpanya.

“I never took part in the management of the business,” saad ni Luis. Kaagad naman umanong nag-resign si Luis at dumistansya sa ICM group companies, kabilang na ang Flex Fuel.

"Bong conducted the business in such a way that operational matters were kept away from me," ayon kay Luis. 

Dagdag pa ni Luis, hindi umano ipinapaalam ni Bong ang mga importanteng bagay sa kanya. 

Sa parehong affidavit, sinabi ni Luis na maraming investors ang umapela ng tulong sa kanya pagkatapos niyang mag-resign noong February 2022. Agad niya itong idinulog kay Bong ngunit napunta lang ito sa wala. 

"Up to now, there are still individuals reaching out to me for help and assistance regarding their investments in Flex Fuel,” saad ni Luis. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.