Kim Chiu and Xian Lim, masaya sa stable na estado ng kanilang relasyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim Chiu and Xian Lim, masaya sa stable na estado ng kanilang relasyon

Kim Chiu and Xian Lim, masaya sa stable na estado ng kanilang relasyon

Kiko Escuadro

Clipboard

All smiles sina Kim Chiu at Xian Lim sa naganap na red carpet premier ng kanilang newest movie project na Always under Viva Films.

Ito ang masasabing movie reunion project ni Kim and Xian na huling nagtambal sa pelikulang All You Need Is Pag-Ibig noong 2015, kaya naman ramdam sa pagbabahagi ng mag-real life partners ang excitement sa kanilang pagsasama sa pelikula.

“Kinakabahan of course, pero we want everyone to enjoy the movie. Kami rin, first time namin mapapanood ni Xian so let’s see kung ano ang kakalabasan ng pelikula,” bungad ni Kim.

Bukod sa kaba sa excitement na kanilang nararamdaman, excited rin sina Kim and Xian sa muling bonding nila sa kanilang mga fans na dumalo sa red carpet premierw.

ADVERTISEMENT

“Oo ang dami naming mga faces na ngayon lang rin namin nakita kasi ngayon lang rin kami nagsama ni Xian, and ngayon lang ulit nagkaroon ng ganitong premiere night so, it feels surreal. Parang nakalutang nga pa rin ako, sa saya.”

Grateful naman si Xian sa blessing na pagsasama nila ni Kim sa isang movie project.

“We’re very blessed na nabigyan kami ng ganitong pagkakataon, kaya thank you sa lahat ng mga pumunta and we are very happy kaya sana suportahan po natin ang Always,” ani Xian.

Extra special rin para kay Kim ang project dahil nagkaroon sila ng extra quality time sa pag-promote ng kanilang pelikula nang magkasama.

“Ito ngayon, magkasama kaming nagpo-promote ng pelikula, kasi in real life naman magsasama naman rin kami palagi, pero, masarap lang ngayon kasi magkasama kami ni Xian sa trabaho,” sambit ni Kim.

Ipinagmalaki rin ni Xian ang kanilang roles sa project na masasabing iba na sa kanilang usual romantic-comedy movies na nakasanayan sa kanila ng fans noon.

“Definitely, ang makasama rin si Kim kasi ang tagal na rin naman namin ‘tong hindi nagawa. And kung ano naman ang bagong makikita dito sa amin dalawa, I think it’s more of the characters na ipo-portray namin. Yung characters lang talaga namin and kung napanood rin naman ng iba kasi, may followers na rin naman ang ‘Always’ from different countries, so mas mature siguro ang tintatahak ng character, not just the regular rom-com na napapanood kay Kim and Xian.”

Bukod sa quality time together sa kanilang project, hindi rin naiwasan na usisain ng entertainment press ang estado ng kanilang relationship.

“Lagi naman kaming andyan para sa isa’t isa. We’re always there for each other no matter what,” ani Kim. Sundot ni Xian, “Nagmamahalan lang.”

Bukod sa pag-acting, aktibo rin ngayon si Xian bilang isang direktor. Dito, hindi niaitanong rin kung handa rin ba siyang i-direk ang girlfriend in the future.

“Siyempre pangarap ko ma-direk si Kim,” mabilis na sagot ni Xian. “And in the future sana mangayri.”

Given a chance naman, looking forward rin si Kim sa idea na maging direktor niya ang boyfriend.

“Oo naman,” ani Kim. “Oo bahala na siya, dalhin na niya ako,” masayang tugon ni Kim.

“Kung si Xian, siguro it’s going to be fun kasi, hindi naman namin alam kung kailan ang next project namin together after nitong movie namin na Always, siguro masaya ‘yun kung siya naman ang direktor ko tapos kaming dalawa rin ang artista,” pahayag ng Kapamilya star.

Showing na ang Always ni Kim and Xian directed by Dado Lumibao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.