Idol PH Champion Khimo Gumatay, iginapang ang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-kanta | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Idol PH Champion Khimo Gumatay, iginapang ang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-kanta

Kiko Escuadro
Published Sep 24, 2022 04:01 AM PHT

Kagaya ng kaniyang bagong title as newest Idol Philippines grand champion, imahe ng isang tunay na inspirasyon ang ibinahagi ng singer na si Khimo Gumatay.

Si Khimo ang itinanghal na Idol Philippines season 2 kung saan ipinamalas siya ang kaniyang husay at talento sa pag-awit na nagbigay katuparan ngayon sa kaniyang mga pangarap.

Pero bago dito, dumaan rin sa maraming pag-subok ang kampiyonato ng Kapamilya singing search.

“Ang background ko po talaga is bago po ako sumali ng competition naging member po ako ng isang choral group. Parang yun po ang naging way ko para ma-explore ko ang music ng mas malalim pa and at the same time, para maka menos po sa gastos,” bungad ni Khimo sa panayam ng PUSH at Cinema News.

ADVERTISEMENT
Ang tinutukoy ni Khimo na gastos ay ang pangarap niyang makatapos nang pag-aaral.

“Dahil po sa music dahil sa pagkanta ko sa isang choral group parang doon din po ako nabigyan ng chance para mabigyan ng scholarship kaya parang na menos ko ang gastos sa pag-aaral ko, and then yun nga po aside sa choral singing.”

Kagaya ng iba, sumabak rin sa iba’t ibang singing search si Khimo kung saan hinasa niya ang kaniyang sarili sa pagsampa sa entablado.

“Sumali po ako sa Tawag ng Tanghalan. Then ang goal ko lang talaga noon ay hindi po ako ma-gong and then yun nga po, hindi ako na-gong and sobrang happy ko na po noon at hindi ko na hinangad na manalo. And yung experience ko is sobrang gumising po sa akin na ganito pala yung experience, ganito yung feeling. Ganun yung kabang nararamdaman mo tuwing sasampa ka ng stage,” ani Khimo.

Bitbit ang kaniyang mga previous singing experiences, dinala ni Khimo ito sa pag-sabak bilang isa sa mga hopefuls ng season 2 ng Idol Philippines.

“Isa sa mga motivation ko is yung ano, dahil alam ko po na parang expected ko na mahirap po itong career na ‘to and inihanda ko po talaga ang sarili ko. Na parang ginawa ko po is binigyan ko po siya ng pansin at disiplina parang maitawid po ito and yung mga taong andiyan para sa amin is, ano, parang sila rin ang nagiging fuel ko para i-compose ang sarili ko and yun ng para makasali dito sa Idol Philippines.”

Kung tatanungin naman kung ano para sa kaniya ang pinaka-mahirap na proseso ng kompetisyon, ang kabuohan nito ay hindi naging madali sa kaniya at sa kaniyang mga nakasama sa kompetisyon.

“Siguro po, ang challenge po talaga sa Idol Philippines is yung entire experience from audition to the grand finals. Dahil yun nga po ang Idol PH po hindi lang po siya basta basta singing competition. Ang sinususbok rin po ang endurance niyo po kung paano po kayo makitungo sa tao and kung paano niyo po i-portray ang sarili niyo sa maraming tao to be an Idol. Dahil yun nga po ang main objective ng Idol is mino-mold nila yung mga hopefuls to be an idol and to be an inspiration,” paliwanag ng singer.

At ngayon naman na kinilala na siya bilang bagong Idol, inamin rin ng singer na pinaghahandaan na niya ang atensyon ng maraming tao.

“’Yun po isa rin po yan sa mga iniisip ko po ngayon. Parang yung pagiging Idol PH season 2 [winner] is parang isang malaking responsibilidad po siya. Hindi lang po para sa akin. And dahil yun nga binigyan ako ng tao ng chance saka ng opportunity para mai-showcase ko pa ang sarili ko sa maraming tao and ma-inspire pa ang other people and yung word po na idol is yun po ang pinaka-mission niya is to inspire other people po,” pahayag nia.

Sa ngayon, sumabak na sa iba’t ibang guestings si Khimo at looking forward rin na makasama ang mahuhusay na singers at makapag-perform sa ASAP Natin ‘To stage.