• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa usapin ng personal na buhay, tuloy-tuloy sa paghahanda ngayon si Jericho Rosales para sa isang upcoming movie at isa pang upcoming show with Piolo Pascual.

Jericho Rosales, pinagtawanan ang hiwalayan issues nila ni Kim Jones

Bukod sa usapin ng personal na buhay, tuloy-tuloy sa paghahanda ngayon si Jericho Rosales para sa isang upcoming movie at isa pang upcoming show with Piolo Pascual.

Jericho Rosales, pinagtawanan ang hiwalayan issues nila ni Kim Jones-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/19/2022 10:37 PM
Jericho Rosales, pinagtawanan ang hiwalayan issues nila ni Kim Jones

Tila tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng proyekto ng aktor na si Jericho Rosales na magiging aktibo muli sa mundo ng showbiz. 

Ito ang isa sa mga bagay na sinagot ni Echo sa naging ambush interview ng PUSH sa kaniyang naging apperance sa fourth year anniversary ng Jenna Essence kung saan nagbigay siya ng special performance sa nasabing event linggo ng gabi, ika-18 ng Setyembre. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)


“Actually, here muna sa Pinas kasi we have our project. Piolo and I are going to the US in November. And we will be there for a month or a month and a half maybe. So maybe holidays din,” bungad ni Echo sa panayam ng PUSH at piling miyembro ng entertainment press. 

Ani pa ni Echo, tuloy-tuloy ang paghahanda niya sa gagawing pelikula na halos kasabay rin ng gaganapin niyang concert kasama ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual. 

“Meron. May shoot lang ako ng pelikula. I can’t say yet,” ani Echo. “Pero we’re preparing pa for it and we’re leaving kasi on October for Canada and US” saad niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Sa parehong panayam rin, naging matipid naman si Echo sa usapin pagdating sa kaniyang personal na buhay, partikular na sa kaniyang buhay may-asawa 

“Good. She’s in… I think going to Paris for fashion week,” ani aktor ng kamustahin kung kamusta na ang kaniyang misis na si Kim Jones. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @jerichorosalesofficial

Samantala, naging matipid din ang aktor nang tanungin kung totoo nga ba ang napapaulat na hiwalayan umano nila ng misis na si Kim.

“Alright you guys… I love you. Thank you!” nakangiting pahayag ng aktor. 

Bukod sa usapin ng buhay may-asawa ni Echo, thankful and grateful rin aniya ang aktor sa mga dumarating na alok ng ibang network. 

“Greatly appreciated. I just really wanna focus muna on our film” pahayag ng aktor. 

Si Jericho ay isa sa masasabing veteran talents ng Star Magic, ang management arm ng ABS-CBN. 

Taong 2019 nang huling napanood si Jericho sa hit Kapamilya series na Halik kasama sina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.