• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez also opened up about the age gap between her and her husband Norman Crisologo.

Beauty Gonzalez shares the secret to a strong marriage: ‘Hindi pa kami nag-aaway’

Beauty Gonzalez also opened up about the age gap between her and her husband Norman Crisologo.

Beauty Gonzalez shares the secret to a strong marriage: ‘Hindi pa kami nag-aaway’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/12/2022 08:41 AM
Beauty Gonzalez shares the secret to a strong marriage: ‘Hindi pa kami nag-aaway’

Hindi matatawag na “stage husband” ang asawa ni Beauty Gonzalez na si Norman Crisologo pero present siya sa isang showbiz event ng asawa nitong Biyernes, September 9, 2022 sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Sinamahan si Beauty ng mister sa ginanap na contract signing at mediacon nito bilang celebrity endorser ng Beautehaus, ang beauty clinic ng Beautederm na nasa Angeles City, Pampanga.


Beauty Gonzalez contract signing at mediacon nito bilang celebrity endorser ng Beautehaus

Beauty Gonzalez contract signing at mediacon nito bilang celebrity endorser ng Beautehaus

Nasa isang sulok lang si Norman at nananahimik. Pero minsan ay napipilitan na ring magsalita kapag kinakailangang kunin ang kanyang reaksyon sa ibang sinasabi ni Beauty.  Tulad na lang sa tanong ng press kay Beauty kung ano ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon bilang mag-asawa.

“That takes two to answer, that question,” simulang sagot dito ni Beauty. “Well, siguro I had my husband at the right time. He had me at the right time also. And we just really clicked. Paano ko ba ie-explain?” dugtong niya.

Ipinagmalaki rin ng former PBB housemate na hindi pa sila nag-away kahit minsan ng asawa.

“Hindi kami nag-aaway, ha. Hindi pa kami nag-aaway to the point na nagwu-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang,” saad ni Beauty.

Paliwanag ni Beauty, marahil ay swak talaga ang ugali nilang dalawa sa isa’t-isa.

“Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun, pero sobrang swak lang na swak ‘yung ugali naming dalawa.

Ngunit ayon kay Beauty, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang hanapan ng oras ang isa’t-isa kahit pa may mga oras na busy sila.

“And importante talaga ‘yung you have time for each other, no matter kung gaano man ka-busy ‘yung work mo. You have to have time, and you have to respect yourself, and you respect your husband. So importante when you respect yourself, you respect people around you also,” aniya.

READ: Beauty Gonzalez reveals that her husband was once mistaken for her father

“Kasi andaming mga temptation, andaming mga bago ngayon, mga bagay-bagay. Pero pag nirerespeto mo ang sarili mo, kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage… matiwasay yung buhay mo,” dagdag pa niya.

“Ikaw, babe, what’s the secret of our marriage?” biglang tanong ni Beauty sa mister.

Sagot naman ni Norman na walang pag-aatubili: “Good timing. And a lot of luck. You can work on it as much as you want, but you still need luck at the end of the day, di ‘ba? Suwerte lang. Suwerte ko, nakita ko siya!”

Binalikan din ni Beauty kung paano nagsimula ang kanilang love affair ng asawa.

“Buti na lang, binili mo ‘yung magasin na nakita mo, ha?! Nakita niya kasi ako sa isang cover ng magasin, eh. And then, pinahanap niya ako. Tapos, tumawag siya. Akala ko, nagbebenta ng insurance, kasi puro English. Ayun pala, ‘yun na ang magiging asawa ko!” pagre-recall ng aktres.

Sa tarpaulin ng local brand na ini-endorse ni Beauty ay naka-two-piece bikini siya. Okay lang ba ‘yun sa husband niya?

“Oh, you can ask him at your back. He’s standing there,” nakangiting tugon dito ni Beauty na sinagot naman ni Norman nang: “Sobrang proud! Kasi, pag-uwi niya, katabi ko siya!” 

Kinilig naman ang CEO at president ng Beautederm na si Ms. Rei Anicoche-Tan sa exchange of words ng mag-asawa kaya bigla itong humirit na puwede nang magkaroon ng baby No. 2. Pero ani Beauty, okay na raw sila ni Norman sa kanilang only daughter.

READ: Beauty Gonzalez enjoys Paris with daughter Olivia

Beauty is now 31 years old at 56 naman si Norman. Anim na taon na rin silang kasal pero hindi raw naging isyu sa kanila ang kanilang age gap. 

“Wala! Actually, mas matanda ako sa kanya. Ako, natutulog na ako, alas otso ng gabi. So, manonood kami ng TV, 'tapos magpapanggap ako. ‘Hala, grabe! Anong nangyari?!’” saad niya.

“'Tapos mamaya, ako yung unang nakakatulog. Ako yung umuuwi nang maaga. Ako yung gumigising nang maaga. Ako yung ayaw lumabas ng bahay. Siya yung lakwatsero,” dagdag pa niya.

 “Siya ‘yung maya’t-maya, ‘Tara! Let’s do this, let’s do that!’ which I truly appreciate. Kasi if wala siya, I would be just there like a wallpaper,” natatawang pagbibida ni Beauty.

Samantala, dadalo si Beauty sa grand store opening ng local beauty brand sa Setyembre 16, sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City sa Ilocos Sur kung saan makakasama niya rin ang ibang Beautederm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Jelai Andres, Ejay Falcon, Jana Roxas at JC Santos.