• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa edad na 56 ay nais pa rin ng aktor na si John Arcilla na magkaroon ng kanyang sariling pamilya.

John Arcilla, nais pa rin na magkaroon ng sariling pamilya

Sa edad na 56 ay nais pa rin ng aktor na si John Arcilla na magkaroon ng kanyang sariling pamilya.

John Arcilla, nais pa rin na magkaroon ng sariling pamilya-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/23/2022 02:11 PM
John Arcilla, nais pa rin na magkaroon ng sariling pamilya
Screenshot from Ogie Diaz YouTube Channel

Sa edad na 56 ay nais pa rin ng aktor na si John Arcilla na magkaroon ng kanyang sariling pamilya.

Ito ang naging pag-amin ni John sa vlog ni Ogie Diaz kung saan sa bibihirang pagkakataon ay nagkwento siya tungkol sa kanyang personal na buhay.


"Nagkaroon ako ng dalawang seryosong relationship na almost nagkaroon ng family pero hindi natuloy," ani John. "Hindi ako pinalad na magka-baby pero almost andoon na."

"Nagkaroon sila ng desisyon na hindi ko kayang kontrolin tapos meron pang isa ulit na non-showbiz," paliwanag niya. "Siguro may ibang plano sa akin ang Diyos."

Ayon sa aktor, bukas ngunit may pag-aalinlangan siya sa posibilidad na magkaroon ng asawa't anak dahil na rin sa kanyang edad at mga responsibilidad sa buhay ngayon.

"Kayang kaya pa naman. Kayang kaya pa talaga. Kaya lang sa dami ng responsibilidad mo ngayon, parang natatakot ka. At saka sa age bracket ko 'no, parang nagdadawalang isip na rin ako," pag-amin niya.

"Although gusto ko pa rin. Walang problema. Hindi naman ako baog eh," dagdag pa niya.

Ayon pa kay John, ngayong wala pa siyang sariling pamilya ay focused muna siya sa kanyang mga apo mula sa kanyang mga pamangkin. 

READ: John Arcilla on losing his brother and sister to COVID this year: ‘It’s so painful’

Huling napanood si John sa sikat na Pinoy teleserye na FPJ's Ang Probinsyano na nagtapos nitong buwan matapos ang pitong taon sa telebisyon.