• Home
  • Fresh Scoops
  • All eyes ngayon ang pageant fans sa tila malaking pagbabago na ito sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Did ‘Binibining Pilipinas’ lose Miss Grand International franchise?

All eyes ngayon ang pageant fans sa tila malaking pagbabago na ito sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Did ‘Binibining Pilipinas’ lose Miss Grand International franchise?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/21/2022 04:43 PM
Did ‘Binibining Pilipinas’ lose Miss Grand International franchise?

Mainit na usapin ngayon sa mundo ng pageantry ang maugong na bali-balitang paglisan ng Thailand-based pageant na Miss Grand International sa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated o BPCI.

Sa isang social media post ng Grand Pageant, inihayag umano ng owner and President ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil sa isang Facebook live video nito na tila ang 58th edition ng Binibining Pilipinas na magiging huli nilang ugnayan sa BPCI.

“According to a recent Facebook live by P'Nawat, Miss Grand Philippines will make its debut next year, which will be organized by someone you will recognize,” bahagi ng social media post ng Grand Pageant. 


Taong 2013 nang simulan ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated na magpadala ng kandidata para sa Miss Grand International kung saan si Ali Forbes ang unang lumaban. Nakasungkit nito ang third runner-up spot.

Simula 2013, naging matunog at sinundan na ng pageant fans ang mga dekalibreng kandidata na ipinapadala ng Pilipinas sa Miss Grand International. 

Mailap man ang korona para sa bansa, hindi naman nawawala sa listahan ng runners-up ang mga Filipina beauty na stand out sa iba’t ibang edisyon ng Grand international pageant.

Kabilang na dito si Parul Shah na nakuha ang third runner-up place noong 2015. First runner-up placer naman si Nicole Cordovez noong 2016 habang second runner-up naman the following year si Elizabeth Clenci.

At muling nagbalik bilang runner-up ang Pilipinas nitong 2020 nang umariba si Samantha Bernardo sa kompetisyon kung saan siya ang itinanghal bilang first runner-up. 

Ngayong 2022, si Roberta Tamondong ng San Pablo City, Laguna ang pambato ng Pilipinas sa Thailand-based beauty pageant na gaganapin this year sa Bogor Regency, Indonesia kung saan, ipapasa ni Nguyễn Thúc Thùy Tiên ng Vietnam ang korona sa bagong Miss Grand International.

Sa ngayon, nanatiling tahimik ang pamunuan ng Binining Pilipinas sa usapin na pagkalas ng Miss Grand International sa isa sa mga prestigious pageants ng Pilipinas.