• Home
  • Fresh Scoops
  • May mga inamin si Andre Yllana tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ama na si Jomari Yllana.

Andre Yllana, dumaan sa depresyon; may mensahe sa ama: ‘May mga bagay na too late na’

May mga inamin si Andre Yllana tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ama na si Jomari Yllana.

Andre Yllana, dumaan sa depresyon; may mensahe sa ama: ‘May mga bagay na too late na’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/17/2022 06:27 PM
Andre Yllana, dumaan sa depresyon; may mensahe sa ama: ‘May mga bagay na too late na’
Screenshot from Aiko Melendez's YouTube Video

Naging bukas ang anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na si Andre Yllana tungkol sa usaping pamilya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana)

Sa isang vlog na inilabas ni Aiko, sinabi ni Andre na sisiguraduhin niyang hindi magiging broken family ang kanyang pamilya sa hinaharap. 


“‘Yung pinakagusto kong ipaglaban ‘pag nagkaroon ako ng pamilya, gusto ko complete family, hindi broken family. Kasi growing up, nakita ko ‘yung hirap kapag naglo-long ka for a father, ganyan,” aniya. 

“Kasi ako, buong paglaki ko naman, nandiyan ka eh. ‘Yung paghanap ko ng tatay, siguro ‘yung pinakamindset ko talaga is to be the best father in the future,” dagdag pa niya. 

Ani Andre, sinubukan pa raw niyang magbalikan ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mga mensahe na galing umano kina Jomari at Aiko. Pero ang totoo, gawa-gawa lamang pala niya ito. 

“Wag niyo na lang tularan kung ano ‘yung ginawa ko. Kasi meron pa akong mga pagsisinungaling, miss ka daw ni Daddy ganyan ganyan kahit hindi ‘di ba,” ani Andre. 

READ: Jomari Yllana gives son Andre a vintage car

Ngunit unti-unti niya ring napagtanto na hindi rin talaga mag-wowork ang relasyon ng kanyang mga magulang sakaling magkabalikan ang mga ito dahil sa kanya-kanya umano nilang mga isyu. 

“Talagang ako na rin na nakakita na hindi magwo-work ‘to. Kahit na magkabalikan sila, hindi magiging masaya ‘to kasi may mga kanya-kanyang issues sila. Dun ko na rin nilulunok ‘yung magkahiwalay sila kasi nandiyan naman si Mommy, hindi niya kami pinabayaan,” aniya. 

Wala naman umanong pinagsisihan si Andre sa mga bagay na nangyari sa buhay niya lalo pa’t alam niyang bahagi ito ng pagbuo kung sino man siya ngayon. 

“Kasi hindi rin naman ako magiging kung sino ako ngayon kung hindi rin naman sa mga trials na pinagdaanan natin,” ani Andre. 

May mensahe naman si Andre para kay Jomari. 

Ayon kay Andre, hindi na ganoon kalaki ang pagnanais niya na makapiling ang kanyang ama hindi tulad ng dati na hinahabol pa niya ito. 

“Dad, kung napapanood mo ‘to — hindi ko pa nasasabi sa’yo to pero minsan kasi may mga bagay na too late na. Siguro ‘yung thirst ko for a father dati, hindi na rin ganun. Kung dati, grabe ako maghabol kay dad, siguro nasanay na rin ako na parang wala s’ya,” ani Andre. 

“Kaya pasensya na rin Dad kung may mga times na nakakalimutan kita,” dagdag pa niya. 

Gayunpaman, hindi umano nagtanim ng sama ng loob si Andre sa kanyang ama at maayos din umano ang relasyon nila ngayon. 

“Nadepressed ako ng sobra-sobra. Kasi akala ko kaya ko kimkimin lahat. ‘Yun pala may hangganan ‘yung tao. Kahit na gaano ka pa kalakas, ‘pag sinapol ka talaga, wala durog ka talaga,” saad niya. 

READ: Jomari Yllana as a father

Naging sandalan naman ni Andre ang kanyang pamilya nang dumaan siya sa depresyon. 

Sinigurado naman ni Andre na lagi siyang nandiyan para sa kanyang ama kahit anong mangayayari. 

“Kahit ano naman ang mangyari, I’ll always still be here for you through thick and thin. Kaso nga lang, like I said, may mga bagay na hindi na kasing init ng dati,” ani Andre.