• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa “Amakabogera,” kasama rin ang P-Pop idol na SB19 sa makikisaya sa coronation night ng Binibining Pilipinas.

‘Amakabogera’, live na ibibirit ni Maymay Entrata sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022

Bukod sa “Amakabogera,” kasama rin ang P-Pop idol na SB19 sa makikisaya sa coronation night ng Binibining Pilipinas.

‘Amakabogera’, live na ibibirit ni Maymay Entrata sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2022 06:40 PM
‘Amakabogera’, live na ibibirit ni Maymay Entrata sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022

Todo paghahanda na ang Kapamilya star na si Maymay Entrata sa kaniyang gagawing performance para sa gaganapin na 58th edition ng Binibining Pilipinas.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


 

Sa panayam ng PUSH, kinumpirma ni Maymay na ang hit single niya na “Amakabogera” ang kaniyang ibibirit sa gaganapin na Binibining Pilipinas competition.

“No pressure po, pero siyempre kabugin natin sir para sa ating mga contestant po para mas mapagamda ‘yung mga sayaw nila, live na live nating kakantahin,” ani Maymay sa papayam.

Naging biruan rin na tanong kay Maymay kung posible nga ba ang kaniyang pagsabak sa susunod na edisyon ng beauty pageant na agaran rin sinagot ng Kapamilya star. “Ay wala po eh,” pabirong sambit ni Maymay sabay sundot na: “Wala po talaga. Hindi ko pa po siya pangarap.”

Nakapanayam ng PUSH at ABS-CBN news si Maymay sa Academy of Rock recording studio kung saan kasalukuyan siyang naghahanda sa follow up song after ng “Amakabogera.”

Kasama ang ABS-CBN in-house recording producer na si Rox Santos, kinumpirma nito na in the works na ang bagong awitin ni Maymay na handog nila sa fans ng Kapamilya star. 

“Yes, marami tayong aabangan for Maymay, so ayun gumagawa kami ng ‘Amakaboger’ song for Maymay” tugon ni Rox Santos. 

Bukod kay Maymay Entrata, bahagi din sina Pablo, Josh, Stell, Ken and Justin na mas kilala bilang P-Pop idol na SB19. 

 

 

Ngayong July 31, gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum kung saan ipapasa sa bagong Filipina beauty queens ang korona para maging susunod ng pambato ng bansa sa iba’t ibang pageant arena.