Seth Fedelin, aminadong ‘awkward’ pa sa tandem nila ni Francine Diaz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Seth Fedelin, aminadong ‘awkward’ pa sa tandem nila ni Francine Diaz

Seth Fedelin, aminadong ‘awkward’ pa sa tandem nila ni Francine Diaz

Kiko Escuadro

Clipboard

Tila handing-handa na sa kanilang first project together ang bagong tambalan nina Seth Fedelin at Francine Diaz na sumabak na sa kanilang unang project as a love team.

Sina Seth at Francine ang tampok sa music video ng hit music na “Muli” ni Ace Banzuelo na masasabi rin na first appearance ni Seth and Francine as FranSeth tandem.

In an exclusive Cinema News interview, ibinahagi ni Seth at Francine ang kanilang working experience bilang isang tandem.

“Ano po, talagang siyempre may Gold Squad po, apat kami pero ngayon dalawa kami. Para sa akin, sa aming dalawa parang awkward,” tugon ni Seth sa panayam ng Cinema News.

ADVERTISEMENT

Inamin din ni Seth na ramdam niya ang paninibago sa ginagawang eksena nila ni Francine na maituturing rin niyang malapit niyang kaibigan.

“Konting awkwardness kasi siyempre nakasanyan na naming two years, almost three na apat kami, hindi lang kaming dalawa ni Francine. Tapos ngayon, eto na parang iba ‘to, so nag-uusap na lang kami kung ano ang ‘sige gawin na natin na ganito ganyan, wag na tayong mahiya.’ Mahirap po siya. Mahirap na masaya. Hindi naman mahirap, pero nakakahiya,” tugon ni Seth.

Gaya ni Seth, parehas rin ang naramdaman ni Francine nang ipinaliwanag ang awkwardness na nararamdaman nila.

“Opo. Siguro kasi yung pagka-awkward po, hindi naman sa point na parang bad ‘yung pagka-awkward niya. Kasi ‘yun nga po kasi nasanay po kami na parang yung love team namin before ay magka-iba and hindi naman po kami sanay ni Seth na parang sweet kami,” ani Francine.

Inilarawan rin ni Francine ang tila “break-in” sa kanilang dalawa ni Seth ang ilang mga sweet and intimate na eksena sa music video na first time aniya nilang ginawa.

“Kasi doon may mga akap, may holding hands, maraming titigan, may mga pa back hug pa. And ako po, honestly, hindi ko po nagawa ‘yung mga ganun scene sa mga pakilig eksena na nagawa ko po before. Pero ‘yun nga po thankful kami na naitawid namin and naging maayos naman ang itsura niya sa lahat ng mga ginawa naming eksena. Pero siyempre po, sa lahat naman po ng binibigay sa amin ni Seth at sa mga maibibigay pa, ginagawa namin ang best namin and siyempre ine-embrace namin ang blessing na napupunta po sa amin.”

Bago pa ang “Muli” music video, ipinakilala na sina Seth and Francine ng Dreamscape entertainment na bibida sa upcoming project na Dirty Linen. Kasunod nito, inihanda rin aniya nina Francine and Seth ang kanilang sarili sa mga ipupukol na bashing and negative comments na kanilang matatanggap mula sa kanilang mga fans.

“About diyan kung sa napag-usapan na ba namin ang mga plano namin, kung sakaling ito ang magiging ano, hindi pa kasi nagulat kami na hindi siya ganun… kasi tinanggap po siya ng tao. Tinaggap po siya ng mga manonood, lalo po noong unang labas. Pag-announce po ng Dirty Linen. And yes sinabi rin po sa amin ng mga bossing na ‘wow ah, okay ha, walang bashing’ tsaka kami naman pong dalawa hindi po kami mahilig sa mga bashing. Yun po ang maganda po sa aming dalawa na hindi kami nagsasalita, tsaka hindi namin iniisip ang bashing, mahal naming sila. It is what it is,” masayang sambit ni Seth.

Confident rin aniya si Francine sa desisyon ng management and executives na walang nakikitang mali sa pagbuo sa kanilang tandem.

“Yun nga po hindi pa namin siya masyado napag-uusapan kasi kahit kami naman ni Seth and even sila Sir Deo (Endrinal), sila Sir Lauren (Dyogi), sila Tita Cory (Vidanes), nagulat rin sila na ‘oh wala naman nang bash a, okay naman’ ganun. And natutuwa po kami kasi ine-expect naming na hate ang mare-receive namin noong mismong story con ng Dirty Linen, pero kabaligtaran siya,” ani Francine.

Aniya pa, naniniwala rin ang Kapamilya star na unti-unti ay matatanggap rin sila ni Seth sa kanilang mga inihahandang mga proyekto.

“Tinanggap kami ng mga tao, yung tandem namin ni Seth and nakakatuwa po and ayun kagaya ng sinabi ni Seth, hindi po kami mapag-patol sa mga basher and hindi naman ibig sabihin noon na wala kaming pake sa kanila. Siyempre po may mga pagkakataon na nakaka-affect po sa feelings po namin kasi pag nag-judge sila sa amin, parang kilalang kilala nila kung sino kami at parang nakasama namin sila sa buong buhay namin pero, yun nga po. Sabi po nila, maging mabuti ka sa mga hindi mabuti sa ‘yo, so ‘yun po ang ginagawa po namin.”

Sa ngayon, abala muna si Seth sa promotion ng kaniyang upcoming iWant TFC series na Lyric and Beat kasama ang kaniyang former onscreen partner na si Andrea Brillantes habang tutok rin muna sa kaniyang personal commitments si Francine bago umarangkada sa shoot ng kanilang launching project na Dirty Linen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.