• Home
  • Fresh Scoops
  • Itinanggi ng kampo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padill ang issue ng hiwalayan umano ng showbiz couple.

Relasyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nananatiling matatag

Itinanggi ng kampo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padill ang issue ng hiwalayan umano ng showbiz couple.

Relasyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nananatiling matatag-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/07/2022 07:31 PM
Relasyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nananatiling matatag

Sentro ng atensyon ngayon ng netizens ang isang blind item sa di umano’y hiwalayan ng isang kilalang showbiz couple kung saan inuugnay ngayon sa real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa lumabas na blind item kung saan idinadawit ang Kapamilya couple, makikita ang initials ng dalawa na “KB” at “DP” at naiiuugnay pa sa initials na “AB” na umano’y natutukoy bilang si Andrea Brillantes.


Pero agad umanong nilinaw ng kampo ng KathNiel na nanatiling maayos ang estado ng relasyon ng dalawa.

Sa pamamagitan ng tweet ng ABS-CBN News Entertainment reporter na si MJ Felipe sinabi nitong, “Both sources vehemently denied the rumors,” bahagi ng tweet ni Felipe.

Aniya aware din ang Kapamilya couple sa bali-balitang ito matapos ang sunod sunod na “mention” sa kanilang mga social media accounts.

“Spoke to two very reliable sources close to Kathryn & Daniel,” bahagi ng tweet ni MJ.

“Netizens have been mentioning the couple after a blind item, coincidentally with their initials, came out that a certain love team have decided to call it quits.”

Hindi na rin bago sa KathNiel ang issue ng hiwalayan. Sa isang article ng PUSH noon, sinabi ni Daniel kung paano nila hinaharap ni Kathryn ang issues ng kanilang relasyon bilang mature couple.

“Siguro through the years, ‘yun ang natutunan namin sa isa’t isa. Noong bago kami parang untugan kami nang untugan, pataasan kaming dalawa. So through the years, natutunan na namin na kung may hindi kami pagkakaunawaan kung paano siya aayusin, kung paano siya iha-handle nang mas kalmado. Minsan may bagay na dati kapag nasabi niya ‘yon o ginawa niya ‘yon ay ikakagalit mo. Pero ngayon mas kalmado mo na iti-take ‘yung problema na ‘yon at mas maayos na agad. …I think respeto ang pinakamagandang ehemplo sa isang relationship talaga,” sabi pa ni Daniel.

READ: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ang sikreto sa kanilang relasyon

Sa ngayon, mas pinili ng showbiz couple na hindi pansinin ang issues na ipinupukol sa kanila at tutukan na lang ang kanilang Kapamilya series na 2 Good 2 Be True na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, iWant TFC, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z Channel 11 at Netflix.