Cesar Montano, aminadong mas close na ngayon sa kaniyang mga anak: ‘I’ve been praying about this to happen’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cesar Montano, aminadong mas close na ngayon sa kaniyang mga anak: ‘I’ve been praying about this to happen’

Kiko Escuadro
Published Jun 26, 2022 04:06 AM PHT

Labis na kasiyahan ngayon ang nararamdaman ng aktor na si Cesar Montano sa magandang takbo ng kaniyang relasyon sa mga anak.

Sa pambihirang pagkakataon, personal na nakapanayam ng PUSH si Cesar nang dumalo ito at nakisaya naganap na Sab-Uyan Festival sa Pola, Oriental Mindoro na pinamumunuan ng kaniyang kaibigan ang former actress-turned-mayor na si Ina Alegre.

Kuwento ni Cesar, extra special ang naging celebration niya ng Father’s Day kung saan personal siyang binisita ng kaniyang mga anak na sina Diego Loyzaga, Angelina Cruz, Sam Cruz, at Chesca Montano.

“Of course ako napaka-saya dahil nakakatuwa, dahil ito last Father’s Day, magkakasama sila. ‘Yung isa lang ang hindi nakapunta kasi nasa Bohol of course mayroong commitment. Pero nakakatuwa na magsama-sama silang lahat na parang ano ba ‘to, a dream come true ‘di ba kasi kung pipilitin kong mangyari ‘yun hindi mangyayari ‘yun,” sambit ng aktor ating panayam.

Ayon pa kay Cesar, masasabi niyang hindi pilit ang naging pagkikita nila muli ng kaniyang mga anak na isa sa kaniyang matagal na niyang ipinapanalangin.

“It happened like a flow of water. Natural na natural na nangyari eh,” ani Cesar sabay sundot ng, “I’ve been praying about this to happen kaya siguro answered prayer lang kaya nakakatuwa.”

Kuwento rin ni Cesar, naging simple at masaya ang kanilang pagkikita ng mga anak kina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz na naging malapit rin sa isa’t isa.

“Well okay lahat. Masaya kami we had a grand time, ‘tong last Father’s Day. Nagkuwentuhan, nagbalik sila sa bahay, kuwentuhan doon, nakakatuwa. And then of course reminiscing those kids days nila, kung paano ko sila pinapagalitan, kung paano kami nagkukuwentuhan, those things iba iba. Tawanan ng tawanan. Pati si Diego is there.”

Nagkaroon man nang hindi pagkakaunawaan noon, thankful rin si Cesar na nalagpasan nila ng kaniyang mga anak ang naging tampo nito sa kaniya.

“Oh yeah, alam mo for a reason nangyayari ‘yung mga ganun. ‘Yun nga tama ang sinabi ng Diyos, ‘rejoice everyday, pray without sins and be thankful.’ So I am thankful na nangyari ‘yun kasi tama ka, kung hindi nangyari ‘yun hindi mas close ‘yan, kasi mas iba ‘yung bonding eh. Iba ‘yung adhesive na nangyari sa family noong ngakaroon ng problema,” tugon ng aktor.

Naniniwala rin siya na tulad ng marami at ordinaryong pamilya, normal lamang ang kanilang pinagdaanan.

“Parang sa isang tao lang na paliliitin mo sa isang tao lang, kung hindi ka magkakaroon ng mga problems, you will not become a better person, ‘di ba? Hindi naman puwedeng puro good lang nangyayari kayo, lahat naman ganun e’, so kasama sa buhay talaga ‘yan.”

Sa kabila ng kanilang naging pagkaka-ayos, tila marami rin netizens ang napataas ang kilay at nagbigay ng kanilang mga saloobin.

“Sabi ko sa kanila, wag na nilang papatulan ‘yan.” ani ng aktor. “Oo ‘wag na nilang patulan ang mga ganun, kasi alam mo naman na ang gusto nila ay patulan sila, why give them that. Why give them the victory, why give them the pleasure of being replied, kaya ‘wag na. Lalu na at kung hindi naman ka-patol patol ang mga bagay na ‘yan e, papatulan mo,” tugon ni Cesar.

Payo rin niya sa kaniyang mga anak pagdating sa mga iba’t ibang reaksyon ng mga tao, “Pero kung mga ganyan ganyan lang, hindi na dapat pinapatulan pa, deadma ka na lang. Hayaan mo nang marami naman silang mga fans e’ iba na ang gumaganti para sa kanila and let them other do it for them,” pahayag pa nito.

Sa ngayon, magiging abala si Cesar sa upcoming movie na Maid In Malancañang kung saan gagampanan niya ang role ni dating pangulo na si Ferdinand Marcos.