• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila may hinaing si Keempee de Leon sa isa niyang kapamilya.

Keempee de Leon naglabas ng sama ng loob sa isang kapamilya: ‘Di man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa’

Tila may hinaing si Keempee de Leon sa isa niyang kapamilya.

Keempee de Leon naglabas ng sama ng loob sa isang kapamilya: ‘Di man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/18/2022 05:49 PM
Keempee de Leon naglabas ng sama ng loob sa isang kapamilya: ‘Di man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa’
Photo credits: @kimpster888 on Instagram

Hindi napigilan ni Keempee de Leon ang maglabas ng sama ng loob sa isang taong malapit sa kanya na aniya ay hindi man lang siya kinumusta simula nung nagkaroon ng pandemya dahil sa pagkalat ng nakamamatay na COVID-19 virus. Taong 2020 nang maramdaman sa buong mundo ang epekto ng pandemya kung saan maraming namatay at nawalan ng trabaho.

Sa isang Facebook post nitong June 11, 2022 ay isiniwalat ng aktor ang kanyang hugot at sama ng loob sa hindi naman niyang pinangalanang kapamilya.

"Mula nung nag-umpisa ang pandemia hanggang ngayon. Wala na palang ibang tutulong sayo kung di ang Diyos, sarili mo, ibang tao, at iilan na tunay mong kaibigan.


READ: Keempee De Leon, inaming ibinaling sa alak ang depression

“At kung sino pa ang inaasahan mo.... siya/sila pa ang dedma at walang paki sa ‘yo kasi safe sila and they have everything in life!” simulang bahaging ni Keempee na huling napanood sa  Kapamilya series na Bagong Umaga.

Dagdag pa ni Keempee, hindi man lang daw siya kinumusta ng kanyang kapamilyang tinutukoy.

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba? Kung may kailangan ka? Kung may kinakain ka pa ba? Kamusta kalagayan mo? kung ok ka lang ba? at kung kamusta ka?

“Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” sabi pa ni Keempee.

Sa kasunod na post ng aktor ay tinawag din niyang "mapagpanggap" ang taong kanyang pinariringgan.

"Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!

WATCH: '80s love teams reunite for 'Nothing's Gonna Stop Us' cover

“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!

“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba," hinaing pa ng actor-TV host.