• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘A Family Affair’ star Ivana Alawi talks about one of her leading men in the upcoming sensual drama.

Ivana Alawi excited to work with Sam Milby on ‘A Family Affair’: ‘Crush na crush ko siya dati!’

‘A Family Affair’ star Ivana Alawi talks about one of her leading men in the upcoming sensual drama.

Ivana Alawi excited to work with Sam Milby on ‘A Family Affair’: ‘Crush na crush ko siya dati!’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

05/27/2022 09:48 AM
Ivana Alawi excited to work with Sam Milby on ‘A Family Affair’: ‘Crush na crush ko siya dati!’
Photo credit to @ivanaalawi and @samuelmilby Instagram

Currently working on her first starring role in the upcoming soap A Family Affair, Ivana Alawi shared that fans of her vlog might be surprised to see her transformation onscreen in the sexy drama.

“Ang ma-e-expect mo dito, hindi ito si Ivana Alawi. It’s really a different person na. Kasi masayahin akong tao. Meron kaming similarities ni Cherry Red pero very deep itong story na ito so you will really see a whole different Ivana. Because this is very, very intense.

“Yung story talaga niya is sobrang ganda so ang dami mong makikitang emotions. It’s a very, very different Ivana kasi nakikita niyo naman palatawa ako. Sa vlog nakikita niyo yung tunay kong ugali. Pero this is more of a dramatic, sensual and ibang klaseng Ivana. Promise abangan niyo,” she said. 


READ: Joshua Garcia admits he is not in touch with Ivana Alawi anymore

Among her four leading men in the series which includes Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, and Jameson Blake, Ivana revealed which one she was looking forward to working with the most.

“Ang pinaka-excited ako kasi pinapanuod ko na sila before is Gerald and Sam so I was very excited to work with them. Si Sam crush na crush ko siya dati. Napanuod ko siya sa mga movies at teleserye niya sa ABS-CBN. Kaya nga natatakot ako. Sieympre pag naging crush mo isang tao tapos makakatrabaho mo, tapos feeling ko nga very intimidating siya. Pero hindi pala. Kabaliktaran pala. He’s a very, very nice person. Sobra,” she shared. 

READ: Ivana Alawi: Beautiful inside out

The 25-year-old actress and vlogger also admitted feeling intimidated by Sam during their first day on the set.

“Si Sam takot din ako na makatrabaho kasi feeling ko sobrang tagal na sa industriya, sobrang galing, and feeling ko professional siya. So parang natatakot ako maka-eksena siya. Pero nung first time namin nagkita, puro siya biro. Gusto niya comfortable kaming lahat.

“And everyone dito sa teleseryeng A Family Affair, yung buong cast, hindi ko nararamdaman na trabaho and lahat talaga nagtutulungan. Pag nag-te-taping kami parang hindi taping kasi para kaming family talaga. Mapagbiro siya and very welcoming. Gusto niya kumportable ka so ayaw niya na may ilangan and he’s going to do everything na mapasaya ka lang at mapatawa, ganun,” she explained. 

READ: Ivana Alawi remains YouTube PH's top content creator for 2021

As a relatively new actress, Ivana shared how Sam and her other male co-stars helped her with her acting especially in the dramatic scenes.

“Tinanong nila kung anong makakatulong. Like si Sam, minsan nawawala ako tapos sasabihan ko nahihirapan ako, ganyan ganyan. Tapos minsan pag-uusapan namin, like kay Sam pareho kaming nawalan ng tatay so parang kinukuwento ko na na-fi-feel ko ulit yung emotions. Sinasabi niya what can he do to help. So si Sam maalaga din. Kapag nahihirapan ako, kakapit na ako sa kanila na ‘Hindi ako maka-arte’ tapos very supportive talaga sila,” she recalled. 

A Family Affair stars Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, and Jameson Blake. Directed by Jerome Pobocan and Raymund Ocampo, A Family Affair will be broadcast on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, and iWantTFC.