Pagbabalik ni Anne Curtis sa ‘It’s Showtime’, kasado na

Malapit na ang pagbabalik-telebisyon si Anne Curtis.

Pagbabalik ni Anne Curtis sa ‘It’s Showtime’, kasado na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/18/2022 07:11 PM
Pagbabalik ni Anne Curtis sa ‘It’s Showtime’, kasado na
Photo credits: @annecurtissmith on Instagram

Hindi maikakilala na marami ang nakaka-miss na makita ang nag-iisang Anne Curtis sa It’s Showtime. Matapos ang mahigit dalawang taong pagpapahinga, malapit nang magkita muli ang actress-host at ang madlang pipol.

Matatandaang nagpaalam si Anne sa programa noong taong 2019 upang manganak sa Australia at pagtuunan ng pansin ang pagpapalaki sa kanyang anak na si Dahlia Amelie. 


At ngayon, kasado na ang pagbabalik ni Anne sa long-running variety show na kinumpirma mismo ng It’s Showtime sa pamamagitan ng isang post teaser na inilabas ng programa sa iba’t-ibang social media pages nito. 

READ: Anne Curtis gives pregnancy update after going on maternity leave

"ANNEdito na siya! Abangan sa It's Showtime!" saad ng It’s Showtime sa caption ng inilabas nitong teaser. 

Mas naging kumbinsido naman mga netizens kasunod nang mapanood na mismo ang inilabas na teaser ng It’s Showtime kung saan binigyang-diin ang pangalan ni Anne. 

Bagama’t lumalabas si Anne sa It’s Showtime matapos nitong isilang si Dahlia, lumalabas lamang siya “virtually.” 

Disyembre noong taong 2019 nang magpaalam si Anne sa noo’y maternity leave lamang. 

Matatandaang dapat babalik na sana si Anne nang mag-isang taong gulang na si Dahlia ngunit maraming beses na itong naantala dahil sa iba’t-ibang kadahilanan kabilang na ang sitwasyon dulot ng pandemya. 

READ: Anne Curtis shoots last episode of “It’s Showtime” before going on maternity leave

Gayunpaman, sinigurado ni Anne sa kanyang mga fans na babalik siya sa programa kahit ano pang mangyari.