EZ Mil, gustong makatrabaho si Gloc-9 at ang BGYO | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EZ Mil, gustong makatrabaho si Gloc-9 at ang BGYO

EZ Mil, gustong makatrabaho si Gloc-9 at ang BGYO

Leo Bukas

Clipboard

Excited ang US-based Pinoy rapper na si EZ Mil sa posibleng collaboration nila ni Gloc-9 in the future lalo pa nga’t aminado siyang iniidolo niya ito.

Ani EZ, “Since bata pa lang ako, yung kanta niya na nag-i-spread around na dina-download pa sa mp3 at binu-bluetooth pa sa cellphone, si Kuya Aries or Gloc-9 he will always have a special place in my heart.

“Kasi during my childhood, siyempre maghahanap ka ng music na talagang naiintindihan mo. Ganun yung impact niya sa akin.”

Isa si Gloc-9 sa special guest ni EZ sa kanyang Panalo Homecoming Tour na nagsimula na noong April 22 sa Remy Field, Samar.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Gloc-9 ay excited din siyang maging bahagi ng homecoming concert ni EZ.

“I’m very excited. Yung thought na I’m a part of an event para kay EZ and nakita ko kasi si EZ pagdating sa craft niya, alam na alam niya kung saan siya tatayo, kung ano yung ginagawa niya, so I’m very, very excited for him,” sabi pa ng rap artist.

Bukod kay Gloc 9 ay gusto ring maka-collab ni EZ ang P-Pop group na BGYO.

“I hung out with them in Dubai and it was just fun being with them and seeing how they… They have a good work ethic. Actually, they have an excellent work ethic and it’s something that runs in blood,” iahad ng Pinoy hip hop artist na nagpasikat ng kantang “Panalo (Trap Carinosa)” with more than 13M plays on Spotify and 70M views on YouTube.

“I feel like now, we should just keep the momentum going, like hitting while the iron is hot. The same advice I was given before while you know… Because it’s easy to get to the top but the hardest part is how to stay on top,” payo niya sa grupo at sa iba pang kababayang gustong sumubok sa international market.

Paano nga ba napapanatili ni EZ ang pagiging humble sa kabila ng kanyang kasikatan?

Tugon niya, “I’m just being myself, wala naman po akong magagawa kundi maging… you know—me. Kung meron mang tanong sa akin how person deals with me I’m going to deal with the same way kung paano sila. I just reciprocate with the kind of energy that they give.”

You can still catch EZ sa iba pang remaining dates ng concert niya dito sa Pilipinas. April 29 (Araneta Coliseum, Quezon City); May 1 (SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City); May 6 (Albay Astrodome, Legaspi City); at May 13 (CAP Convention Center, Camp John Hay, Baguio City).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.