• Home
  • Fresh Scoops
  • Makakasama ni EZ Mil ang iilang bigatin guest performers sa kanyang concert tour.

EZ Mil, handang-handa na bumalik sa Pilipinas para sa concert tour

Makakasama ni EZ Mil ang iilang bigatin guest performers sa kanyang concert tour.

EZ Mil, handang-handa na bumalik sa Pilipinas para sa concert tour-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/09/2022 10:40 AM
EZ Mil, handang-handa na bumalik sa Pilipinas para sa concert tour
Photo credit: @ezekielmiller Instagram

Babalik ng Pilipinas kung saan siya ipinanganak at lumaki para sa ilang series of concerts  na pinamagatang Panalo Homecoming Tour ang international rapper at multi-talented Pinoy viral sensation and hip-hop artist na si EZ Mil (Ezekiel Miller). Nakilala siya as one of the biggest Filipino rappers in the world nung 2021 dahil sa  smash hit single niyang “Panalo (Trap Carinosa)” na mayroong more than 13M plays on Spotify and 70M views on YouTube.

The US-based rapper has not visited his country of origin since his viral Wish Bus performance.

Sa interview ng PUSH kay EZ ay hindi nito naitago ang excitement na bumalik ng Pilipinas para mag-concert.


“I’m just super excited. This is just gonna be something incredible. This is also a chance for everyone lalo na sa mga local (artists) natin na sumasampa rin sa stage,” simulang pahayag ni EZ.

“Maraming salamat sa lahat talaga na naging parte nito para maging posible ito na mangyari para sa ating lahat. Sana mag-enjoy tayong lahat,” sabi pa ng sikat na rapper.

READ: ‘More than I imagined’: EZ Mil reacts to success of ‘Panalo’

Kabado ba si EZ sa Pilipinas siya magko-concert at kapwa niya mga Pilipino ang manonood nito?

Sagot niya, “Sa totoo lang, hindi naman po. Kasi parang iba na rin yung naging epekto ng ‘Panalo’ kasi talagang damang-dama ng buong katawan mo tsaka buong pagkatao ng mga kababayan natin yung kanta.

“Iba na rin yung epekto ng mga Tagalog na kanta, there’s this parang a different vibe, so parang… Kasi I grew up in the Philippines and this is my home, so I feel comfortable performing with my kababayan.”

Bigating rap artists and singers ang makakasama ni EZ sa kanyang Panalo Homecoming Tour. Guest ni EZ sina Gloc-9, Darren Espanto, Kiefer Sanchez, Froilan Canlas, HBOM, Raining Sorrow, Nix Damp P, Plan B, Ren, at marami pang iba.

READ: Rapper EZ Mil apologizes for controversial lyrics in viral song

Narito naman ang mga dates ng kanilang performances: April 22 (Remy Field, Samar); April 29 (Araneta Coliseum, Quezon City); May 1 (SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City); May 6 (Albay Astrodome, Legaspi City); at May 13 (CAP Convention Center, Camp John Hay, Baguio City).

Ibinahagi rin ni EZ kung ano ang ginagawa niyang paghahanda para sa homecoming concert tour.

“When it comes to performing now, especially with the whole pandemic, would have to be stamina training and handling breathing techniques. Just the struggle to get my stamina up to the point that I’m not slurring anything, para hindi na ako hikahosin when spitting a verse or when my notes don’t run short trying to hit them. So just like the whole preparation of that—it’s a lot. But I’m ready for it,” kuwento pa ni EZ Mil.